Rowena's POV
Pagkatapos ng insidenteng nangyari kay Rommel, nandito kami ngayon lahat sa house D. Ewan ko kung bakit nandito kami lahat? Dahil siguro nakasanayan? Kase bawat may mangyayaring masama o kung sakaling may biglaang meeting nandito kaming lahat sa house D.
"Guys, lumalala na ang galit sa atin ng clown. Kailangan na natin agad itong masolusyunan bago pa man tayo maubos." sabi ko sa kanila as their president.
"Sa tingin mo ganoon kadali yun?" tanong naman ni Joshua. Medyo nainis naman ako pero pinabayaan ko na lang. Inirapan ko na lang sya sabay tingin sa pader
"Oh joke lang naman! Sige na nga, tutulungan na kita!" dagdag pa ni Joshua pero inirapan ko lang ulit sya.
"Yah, tutulungan ka naman namin ni sweetie pie eh! Diba sweetie pie?" isa pa itong si ma'am. Over kung mambwisit! Bakit pa kase sya nabuhay noong inihulog ko sya sa sink hole? Paano sya nakaligtas doon eh ang lalim naman nun? Tapos ang lakas naman ni ma'am na haplusin ang pisngi ni Joshua. Pinapaselos ba ako?
"Oo naman cutie pie!" napatingin naman ako bigla sa kanila
"Sweetie pie? Cutie pie? Ang babaduy!" bulong ko na lang pero sa kasamaang palad, narinig pala nila ako.
"Ano yun miss Rowena? Ang babaduy? Bakit? Nagseselos ka ba?" wow! Ang lakas ni ma'am ah!
"Duh? Bakit naman ako magseselos sa inyo? Edi magpakasal kayo, wala akong pakialam!" sigaw ko sa kanila kaya nagtinginan sa amin ang iba naming kaklase. Medyo nahiya naman ako kaya yumuko na lang ako
"Rowena? Halika nga dito. Mag-usap tayo." sabi sa akin ni Joshua kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Bakit naman kita kakausapin?" tanong ko sa kanya
"Nagseselos ka na kase eh." sagot nya kaya natawa na lang ako
"Selos? Wala sa vocabulary ko ang salitang selos!" pagkasabi ko nun ay bigla na lang nya akong hinila palabas ng bahay. Dahil nga sa medyo payat ako, hindi na ako nakapanlaban pa at nailabas na nya ako ng tuluyan.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pagkaalis ko ng kamay kko ay tumakbo na agad ako sa bahay pero hinila ako sa beywang ni Joshua tsaka ako niyakap.
"Saglit nga! Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko kaso ayaw nya akong bitawan
"Saglit lang kase. May sasabihin lang ako." sabi nya tsaka hinila ako paupo sa isang bench.
"Sige na nga! Bilis-bilisan mo lag ha at nagsasawa na ako dyan sa pagmumukha mo!" tinawanan ba naman ako?
"Paano ko ba sisimulan? Ganito na lang, ang pinaka-issue ko ay yung halatadong pagseselos mo sa amin ni Mara. Halatado ka na kaya. Pero ang akin lang, wala naman kami ni Mara. Sadyang mapang-asar lang sya at laging ikaw ang inaasar kase alam nyang ex kita." medyo nasaktan naman ako sa sinabi nyang ex na daw nya ako
"Oh, bakit nakasimangot ka? Basta lagi mong tatandaan, kahit wala na tayo lagi pa rin akong nandito para sayo. Naalala mo noon diba mag-best friends pa tayo noong bago naging tayo? Edi isipin mo na lang na mag-best friends na lang tayo ulit para wala nang ilangan! Pwede ba yun?" napaisip naman ako sa mga sinabi nya. Bigla ko tuloy naalala kung paano kami nagkakilala. Nagkakilala kami noon sa wattpad. Doon kami unang nagkakilala. Doon kami unang naging mag-best friend... Napapangiti naman ako sa tuwing naaalala ko ang mga araw na yun
"Uy, ngumiti na sya! Ibig sabihin ayos na tayo? Friends ulit?" why not diba? Mas mabuti na ang friendship na may something, kesa sa relationship na parang nothing!
"Sure, friends ulit!" sabi ko naman at nakipagkamay na.
"Hayan, ngumiti ka na ulit! Hayan yung Rowena na kilala ko." sabi nya at niyakap ako
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...