Third Person's POV
Kinaumagahan, maagang nagising ang mga taga-house O dahil sa sobrang pag-alala sa nawawalang kaklase na si Esteph
"Nakakabanas naman yung baklang yun oh! Napaka-weird! Saan naman kaya nagpunta yun? Pati ang beauty ko nadadamay!" reklamo ni Allysa habang nakalagay ang kamay nya sa noo na parang hihimatayin
"Wag ka ngang OA dyan! Tsaka wala ka namang beauty!" sigaw ni Maricar sa kanya
"Excuse me? Paano na-in love sa akin si Kyle kung wala akong beauty? At saka nakakahiya naman daw po sayo ate, punong-puno ka ng beauty! Ay, mali! Punong-puno ka pala ng pimpy!" sagot ni Allysa kay Mari
"Pimpy? Ano naman yang pimpy na yan Ally?" tanong ni Adrian
"Pimpy! As in pimples!" sagot ni ALlysa sabay hawi ng buhok kay Mari dahil magkatabi lang sila
"Huh? Nakaka-stress ka!" sagot na lang ni Mari
"Shut up! All of you! Meron ba kayong clue kung saan pumunta si Esteph?" tanong ni Troy
"Wala eh, basta ang alam ko lang, ginising ko sya kagabi para kumain, yun na yung last na nakita ko sya, akala ko bumaba na at kumain pero pagbaba ko wala naman sya sa kusina!" sagot ni Maricar
"Meron ba kayong napapansing kahina-hinala bago ito nawala?" tanong ulit ni Troy
"Wala naman, maliban sa nabasag na baso sa kusina kahapon," sagot ni Maricar
"Ah, si Esteph nga nakabasag nun, nagulat sya nung hinawakan ko sya sa balikat! Ewan ko ba dun, ang-weirdo!" pagsingit ni Adrian
"Maliban sa baso, may nakita rin akong basag na Jack-in-a-box sa kwarto," dagdag pa ni Mari
"Exactly! Dahil yun sa gawa ng killer," malamig na sagot ni Jorick na nakatayo lang sa gilid
"W-what do y-you mean?" nanginginig na tanong ni Allysa
"Sorry? Baby? Boyfriend?" tanong rin ni Maricar
"Anong sorry, baby at boyfriend pinagsasasabi mo Mari?" tanong ni Adrian
"Mga kanta ni Justun Bieber! Inumpisahan ni Allysa sa what do you mean eh, hihihi" binatukan naman ito ni Allysa dahil sa sagot nito
"Wag ka nga! Seryoso tayo sa paghahanap kay Esteph eh! Nagawa mo pang magjoke dyan" sigaw ni Allysa
"Anong ibig mong sabihin sa gawa ng killer ang nangyari?" tanong ni Adrian kay Jorick
"Sabi mismo ni Esteph sa akin, at ang killer ang nagbigay ng JIAB kay Esteph, yung nakita mo Maricar na basag na JIAB, senyales lang yun na sya na ang susunod," malamig na sagot ni Jorick, bigla namang may naalala si Allysa, agad itong tumakbo papunta sa kwarto ng mga babae at dumiretso sa kama ni Esteph, kinuha nya ang letter doon na nakita nyang inilagay dun ni Esteph. Bumaba na rin ito agad at ibinigay ang letter kay Troy, binasa nya ito ng malakas sa mga kasama
Hahaha, alam ko namang ibabato mo ang box na ito. Kaya naman naisipan kong dito ko na lang ilagay ang letter na ito. Pumunta ka sa maliit na ilog 250 meters away sa subdivision kung gusto mo pang mabuhay at kung gusto mong mailagtas ang mga kasama mo! Magkita tayo sa lumang bahay at exactly 8:30 mamayang gabi! See yah there dear classmate!!!
"Salamat sa info Ally," sagot ni Troy at dali-dali itong lumabas
"Teka Troy, saan ka pupunta?" tanong ni Adrian
"Sa may ilog" matipid na sagot ni Troy at umalis
"Teka lang, sasama ako!" pagpigil ni Adrian
"Teka, ako rin naman!" pagsingit ni Mari
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...