Via's POV
Kinabukasan matapos mamatay si Jorick, balik normal ulit ang buhay naming mga tao sa Mortem. Nakasanayan na sigurong may mawawala at mamamatay sa amin.
Hanggang sa loob ng MA ay kita pa rin sa aming mga estudyante ang normal na buhay. Gaya ng dati, grupo-grupo ulit ang mga estudyante. Maliban na lamang sakin na nakaupo lang sa isang gilid habang pinagmamasdan ang ngayo'y napakasaya nang sina Grace at Lito. Eh ano pa bang magagawa ko? Nabuntis na nga nya si Grace. Alangan namang umeksena pa ako? Wala naman na siguro akong karapatan diba?
"Alone?" biglaang tanong ng isang lalaki na umupo sa tabi ko.
"Yah," tipid ko na lang na sagot tsaka tumingin ulit kina Grace at Lito
"Nagseselos ka sa kanila no?" tanong ulit ni Zandrex
"Slight." maikling sagot ko ulit
"Ano kayang ginamit na gayuma ni Grace sa ex-utol ko at bigla ka na lang nyang iniwan?" tanong nya sa akin
"Paawa potion." sagot ko na lang dahil sa totoo lang nakakailang kausapin ngayon si Zandrex. Ngayon lang kase kami ulit nag-usap mula nung dumating sya mula sa Sanguinem. Pakiramdam ko kase sya pa rin ang dating Zandrex na mainitin ang ulo.
"Saglit lang." sabi nya at hinila ulit ako paupo "Hindi pa tayo tapos mag-usap." dagdag pa nya
"Ano bang gusto mong pag-usapan?" tanong ko na lang na hindi tumitingin sa kanya. Nakakailang talaga pati yung mga ngiti nya ngayon. Napaka-angelic na ng mukha nya na parang walang bahid ng galit.
"Wala naman. Gusto lang kitang makausap. Matagal na rin kase tayong hindi nakakapag-usap." sabi nya at nakatingin na rin kina Lito. Ewan ko kung imagination ko lang? Bakit parang may nakikita yata akong galit ngayon sa mukha nya? Bigla tuloy akong natakot na naman.
Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin habang pinapanood sina Lito at Grace na masayang kumakain sa ilalim ng puno ng mangga, hanggang sa sya na rin ang bumasag sa katahimikan.
"Pero seryoso ako. Pakiramdam ko meron talagang ginamit na gayuma yang si Grace sa kinakapatid ko." kinakapatid? okay! Ayoko nang nagtanong sa kanya. Baka sumabog na naman ito.
"Paano mo naman nasabi? Hayaan mo sila! Masaya na sila eh." sagot ko naman kaya sinamaan ako ng tingin ni Zandrex.
"S-sorry. M-may nasabi ba akong masama?" tanong ko tsaka yumuko at pumikit na lang dahil paniguradong sisigawan na naman nya ako. Pero nagulat na lang ako nang hawakan nya ako sa baba ko at inangat ng mukha ko sa kanya
"Anong hayaan? Hindi pwede yun. Alam mo bang nasaktan ako noong nalaman kong iniwan ka nya?" napanganga naman ako sa sinabi nya. Gusto ko sanang itanong kung bakit pero inuunahan ako ngayon ng takot at kaba eh.
"Hindi ko pwedeng palagpasin ang ginawa nya sayo. Nagparaya na ako noon dahil sa tingin ko ay sasaya ka sa piling nya. Pero anong ginawa nya? Iniwan ka na lang nya ng basta? Hindi naman pwede yun." dahil sa sobrang awkward sa pakiramdam, tinanggal ko ang kamay nya sa baba ko tsaka umiwas ng tingin.
"Mahal mo pa rin ba ang kinakapatid ko?" bigla nyang tanong out of the blue.
"Yata? Ewan ko, naguguluhan ako. Meron kaseng part na gusto ko pang lumaban. Pero meron ring part na sukong-suko na ako." sagot ko naman at napabuntong-hininga na lang.
"Eh ako ba? Mahal mo pa rin ba ako?" napatingin naman ako bigla sa kanya dahil sa itinanong nya. Kita ko sa mukha nya ang sincerity sa kanyang binitawang tanong. Pero bago pa ako maka-react inunahan na nya ako ng tawa.
"Hahaha, why am I asking that kind of question? Alam ko namang hindi na diba? Noon pa lang sa Natad Resort inamin mo na ngang mas gusto mo na si Lito. Ngayon pa kayang matagal akong nawala? Edi nawala na rin lahat ng alaala ko sayo." sabi nya tsaka tumawa. Pagkatapos nun ay nagkaroon ulit ng nakakabinging katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko kase alam kung paano mag-react sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...