First Signs

770 24 3
                                    

Autor's Note:
Kung napapansin nyo po, kina Kyle at Grace na lang po ang sentro ng kwento. Pero ito po ay pansamantala lang po muna. Part of the story po ang lahat ng kaganapan sa kanilang dalawa. Ang mga nangyari po sa kanilang dalawa ay may mahalagang parte sa magiging ikot ng kwento kaya kapit lang po. Ito pong chapter na ito naka-sentro pa rin po sa kanilang dalawa. Siguro po mga dalawang chapter na lang po ang itatagal ng exposure nung dalawa at balik kwento po ulit. Basta po trust me, magugustuhan nyo po ang resulta ng pagiging sentro ng dalawa...

Allysa's POV

2 weeks after Grace' case...

"Grace! Grace gumising ka na! Baka ma-late tayo!" paggising ko sa kanya dahil anong oras na hindi pa rin sya bumabangon

"HANUBAAA!!! Ayokong pumasok. Nakakatamad! Nakakaantok!" reklamo nya nang hindi man lang dumidilat

"Grace naman! Palagi ka na lang ganyan! Last week ka pang batugan! Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko

"Eh sa masarap matulog! Pakialam mo? Edi matulog ka rin!" napa-facepalm naman ako sa sinabi nya

"GRACE!!! KUNG HINDI LANG KITA KAIBIGAN NAIHULOG NA KITA DYAN SA KAMA MO!!! BUMANGON KA NA NGA!!! ANG AGA MO NA NGANG NATULOG KAGABI!!!" sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang paninibago ko sa lahat ng kinikilos nya

"Mga bestie, tara na daw sabi ni ma'am Mara." tinaasan ko naman si April na ngayo'y nasa pinto ng kwarto para tawagin kami

"Bestie? Bestie mo mukha mo! Sige sabihin mo na susunod kami." sagot ko na lang kaya umalis na rin sya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, na ayaw ko syang maging kaibigan. Kase mula pa nung naging sila ni Christian, tina-try na nyang magbago at tina-try na rin nyang makipag-ayos at makipag-close sa amin ni Grace

"Narinig mo yun? Nasa baba na silang lahat! Tayo na lang hinihintay kaya bilis! Bumangon ka na!" sabi ko ulit at sapilitan na syang itinayo sa kama. Hinila ko sya nang hinila hanggang sa makabangon na ito.

"Oo na, oo na! Heto na diba? Maliligo na!" reklamo nya at padabog na pumunta sa CR. Dahil nga sa kanina ko pa sya ginigising, hindi pa ako nakakaligo gaya nya kaya pumunta ako sa isa pang CR. Dalawa kase CR dito sa bahay.

Matapos akong maligo at magbihis, pumunta na ako sa CR ni Grace kase kanina pa sya doon.

"Grace?" kumatok ako sa CR pero hindi sya sumagot. Tanging ang tunog lang ng tubig na galing sa shower ang naririnig

"Grace, bilisan mo na dyan!" nagtaka naman ako dahil wala pa ring sumasagot. Naka-switch yung shower sa loob kaya nasa loob pa sya panigurado. Dahan-dahan ko namang inikot ang knob at hindi ito naka-lock kaya dali-dali ko itong binuksan. Naabutan ko naman si Grace na nakahiga sa bath tub na walang tubig... na natutulog???

"HOY!!! BAKIT TULOG KA NA NAMAN??? GUMISING KA NGA! MAHUHULI NA TAYO!!!" sigaw ko sa kanya kaya dali-dali naman syang tumayo

"Osha! Sige na nga! KJ naman nito! Lumabas ka na nga! Susunod ako!" sabi nya at ipinagtulakan na ako palabas. Weird, ano yun? Trip nya? Balak pa yatang gawing kama yung tub? Nauna na akong lumabas para naman hindi nakakahiyang naghihintay silang lahat sa baba.

"Guys sorry po, mabagal pong kumilos si Grace. Pakihintay na lang po." sabi ko sa kanila

"Sige, hitayin ko na lang sya doon sa loob ng bahay nyo." sabi naman ni Kyle at pupunta na sana sa bahay pero hinila ko sya sa braso pabalik sa amin

"Hindi pwede, naliligo sya!" makahulugan kong sabi sa kanya na may halong pagbabanta.

"Titignan ko lang naman sya!" madiin nyang sagot sa akin

"Titignan?" makahulugan kong tanong ulit with matching sarcastic smile

"Wala ka bang tiwala sa akin?" ang lakas naman ng loob nyang tanungin sa akin yan! As if namang meron

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon