Most Tragic Ending

707 22 17
                                    

Author's Note:
Mga bespren, paalala lang, hindi pa po end ng story. Title lang po yan. Wala lang, share lang...

Third Person's POV

Maghahating gabi na pero gising pa rin si Zandrex. Nakaupo lang sya mag-isa sa balkonahe habang nakatitig sa kawalan. Iyak lamang sya ng iyak buong gabi. Wala na syang pakialam kahit makagising pa ng iba dahil sa sobrang pag-iyak. 

Sa kwarto, naalimpungatan naman si Kyle dahil sa lakas ng iyak ni Zandrex. Dahil na rin sa pag-aalala sa kapatid, lumabas sya para damayan ang kuya nya.

"Kuya?" pagtawag nya sa kapatid kaya lalong naiyak si Zandrex. lumapit naman si Kyle para yakapin si Zandrex

"Kuya tama na oh! Wag ka nang umiyak. Naiiyak na rin ako eh." sabi ni Kyle at isinandal ang ulo sa ulo ni Zandrex

"Kasalanan ko ito eh! Bakit ko sya pinabayaan? Bakit hindi ko sya pinigilan noong lumabas sya ng subdivision?" paghagulgol ni Zandrex

"Kuya naman! Wag ka namang magsalita ng ganyan! Hindi mo kasalanan ang mga nangyari. Nagkataon lang ang lahat." pangungumbinsi ni Kyle

"Bakit ko pa kase hindi nilapitan at pinuntahan nung lumabas sya! Pinakawalan ko ang pinakamahalagang tao sa buhay ko eh!" napabitaw naman si Kyle sa kuya nya sa narinig.

"So ako hindi? Hindi naman pala ako mahalaga sayo eh. Pare-pareho lang pala kayong lahat." mahinang sagot ni Kyle tsaka pumasok na. Bigla namang natauhan si Zandrex sa sinabi ng kapatid nya kaya tumayo ito at hinila pabalik sa balkonahe

"Uy teka. Sorry na. Oo inaamin ko mali yung sinabi ko. Ang ibig ko lang sabihin doon Kyle, babae sa buhay ko." sabi ni Zandrex pero nagpumilit pumasok si Kyle

"Kyle naman! Ikaw na nga lang ang nag-iisang taong naiiwan sa buhay ko. Wag ka namang lumayo." dagdag ni Zandrex

"Nung ako ba nakaramdam ng pagiging alone dinamayan nyo ako? Nun bang aksidente kong nagalaw si Grace diba nilayuan nyo ako?" bigla namang bumalik ang Zandrex-mode kay Zandrex at binatukan nya ang kapatid.

"Maka-nyo ka naman! Hindi kita sinamahan? Hindi kita dinamayan? Tsaka yung mga kaklase natin, nabigla lang sila. Kakausapin ka ba nila ng ganoon kaninang tanghali kung galit sila sayo?" sigaw ni Zandrex. Wala na silang pakilalam pa kahit makabulabog sila.

"Kyle, ito lang ang maipapangako ko sayo. Ikaw na lang ang natitirang tao sa buhay ko kaya kahit buhay ko pa ang kapalit ng kaligtasan mo gagawin ko. Hindi ko hahayaang masaktan o magalaw ka ng clown na yun. Kahit pa ikamatay ko ang lahat! At ngayong napakalalim na ng gabi, pumasok ka na dyan sa loob at baka nasa tabi lang ang killer." utos ni Zandrex

"Malulunod ba ako kapag malalim na ang gabi?" tanong ni Kyle kaya binatukan na naman ito ni Zandrex

"Alam mo ikaw napakayaman ng umampon sayo pero mahilig ka talaga sa mga segunda manoi no?" tanong ni Zandrex

"Oh, anong kinalaman nun sa sinabi ko?" tanong naman ni Kyle

"Nagamit na yan ni Allysa noon eh. Gaya-gaya ka talaga! Ni-recycle mo pa yung line nya! pumasok ka na nga! Matulog ka na at may pasok pa tayo bukas." sabi ulit ni Zandrex

"Sige na nga! Lakas mo talagang maka-kuya eh. Ikaw rin matulog ka na! Itulog mo na lang yan!" natawa naman si Zandrex kaya pumasok na rin naman ito. Ang hindi lang nila alam, nasa labas pala ang clown at pasimpleng nakatingin sa kanilang dalawa...

- - - - -

Kinabukasan, naalimpungatan naman si Zandrex dahil sa napakaagang ingay mula sa baba. As usual party people na naman ang mga tao. Babangon na sana sya nang makita nyang wala si Kyle sa kama nya

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon