Human Doll

1K 35 4
                                    

Joseph's POV

8:30 na ng umaga at nandito ako ngayon nagbabasketball mag-isa. Wala akong kalaro kase wala daw sa mood maglaro sina Zandrex, Lito at Kyle. Palibhasa kase naga-away-away silang tatlo. Ang-iisip bata talaga! Buti pa ako maliban sa kagwapuhan ko wala na akong pinoproblema.

Nanonood naman sa akin mula sa mga bench ang halatang-halatang bored nang sina Teena, Rommel, Jayson, Lester, Vina at Gil. Siyempre bago pa lang sila kaya naninibago. Ganito rin naramdaman ko noong bago pa kami dito. Para naman hindi sila ma-boring, ito-tour ko muna sila sa gubat! Hahahaha, kahit papano naman nagawa ko pa ring makabisado ang gubat na ito.

"Guys, gusto nyo mamasyal? Nakakatigang ang matagal na pag-stay dito sa subdivision eh." sabi ko sa kanila.

"Saan naman? Sa gitna ng gubat? Tapos ano? Gagahasain nyo ako?" napangiwi naman ako sa sinabi ni Rommel. Yung as in na ngiwi na halos mapunit na ang mukha ko?

"Oo, sa gubat. Ito-tour ko lang kayo sa ilog kung saan kami dati laging naliligo. Malalim at malinis doon kaya masaya maligo. Tapos sa lumang bahay kung saan ako namatay. At sa bahay na itinuro sa akin ni Zandrex kung saan daw sya pinatay. Tara mukhang bored na kase kayo." pagyaya ko sa kanila pero wala ni isa sa kanila ang umimik.

"Oh ano? Ngayon lang nakakita ng gwapo?" tanong ko sa kanila

"Duh? Dadalhin mo kami kung saan may namatay? Sa tingin mo ba sasama kami?"maarteng sagot ni Vina

"Oh edi sa ilog na lang tayo pumunta! Total masaya doon, mas malinis pa ang tubig doon kesa sa pagkatao noon ni Carlo! Hahaha! Tara bilis!" sabi ko at nauna na. Bahala sila kung gusto nilang sumama. Basta ako gaya rin nila na bored na bored na! Kase nga ako, bored of being bored because being bored is boring. Ganern lang.

Nakarating na ako sa ilog at sumama rin naman sila. Sabi sa inyo sasama sila eh. 

"Wow! Ang ganda naman pala dito sa ilog. Ang ganda ng view mula dito. Gubat na gubat ang kapaligiran." sigaw ni Rommel at umiikot-ikot pa

"Magulat ka kapag mukhang disyerto ang paligid." pambabara naman ni Lester

"Woo! Wag ka ngang bitter dyan koya! Porke ba may iba na si mareng Allysa? Lester, ako na lang! Ako na lang ulit!" sagot naman ni Rommel in Bea Alonzo way. Pero imbes na mag-react, inihulog na lang ni Lester si Rommel sa ilog

"Waaahhh!!! Dugong!!!" sigaw ni Jayson

"Hala! Ang sama ng ugali nyo guys! Bakit nyo ginaganyan kaibigan nyo?" -Gil

"Wow, kailan ka pa naging mabait Enrique Gil?" tanong ni Vina

"Ano bang pakialam mo kapag ihulog namin sya? Edi tulungan mo!" sigaw ni Lester at inihulog na rin si Gil sa ilog kaya natawa na lang si Vina

"Anong tinatawa-tawa mo? Gusto mong matulad sa kanila?" sigaw ni Lester. Ang ayaw ko kase sa lahat ay binabastos ng ibang lalaki ang mga babae. Ako lang ang may karapatan na bumastos sa kanila. 

"Wag mo ngang isasali ang mga babae dyan sa galit mo Lester! Wag kang bitter! May iba na nga si Allysa! Mag-move on ka na!" sigaw ko sa kanya

"Move on from what?" tanong nya

"From everything that's keeping you from moving on!" sigaw ko

"Stop acting like you know my pain! Stop acting like you own it! Hindi ikaw si Celine! And you will never be Celine!" sigaw ni Lester

"Yes, I am not Celine! I am cherifer!" sigaw ko rin sa kanya

"Hahaha! Nakakautot kakornehan nyo! Tubig lang katapat nyan!" sigaw ni Lester tsaka sabay kaming inihulog ni Lester sa ilog.

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon