The Survivors

937 25 3
                                    

Jayson's POV

10 na ng umaga ako pumasok. Hindi kase ako makatulog kagabi. Maliban sa text sa akin ni Chris na patay na daw si Derrick, hindi pa ako makatulog dahil sa diary at scrapbook ni Allysa. Hindi ko tuloy alam kung paano ko haharapin si Lester.

Pumunta muna ako sa locker para ayusin ang mga gamit ko. Idinikit ko na rin sa loob ng locker ko ang picture namin ni Allysa na magkasama. Kinuha ko lang ang picture frame papunta sa room. 

Naabutan ko sa room na tahimik sina Chris at Lester dahil sa nangyari.

"L-lester?" medyo nag-aalangan at nanginginig kong pagtawag sa kanya nang nasa tapat na ako ng table namin. Tumingin naman sya at ngumiti ng manipis. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ang awkward!

"H-heto..." halos hindi na ako makapagsalita pero nagawa ko pa ring iabot sa kanya ang picture frame nila. Ang kaninang malungkot na mukha ay napalitan ng sobrang tuwa nang makita ang hawak ko.

"Woah! Salamat Jayson! Ginawa mo talaga?" sigaw nya at kinuha agad ang picture. Ngumiti na lang ako dahil nga sa ang awkward. Umupo na lang ako sa tabi ni Chris para mabawasan kahit konti ang awkwardness

"Jayson, salamat ulit ah! Nakita ko na ulit sya kahit sa picture lang!" nakita ko ang tuwa sa mukha nya habang hinahaplos pa ang mukha ni Allysa sa frame

"W-wala yun. S-sorry nga p-pala at yan lang nakuha ko!" hayup namang boses yan oh! Bakit ba ako kinakabahan?

"Ano ka ba? Ayos lang no! Malaking bagay na ito sa akin!" sagot nya

Zandrex' POV

Nakakawalang gana talaga dito sa Sanguinem! Parang ang boring ba? Mas sanay pa rin ako sa Mortem kasama ni... Via? Ewan ko, kase sya lagi hinahanap-hanap ko eh. Kumusta na kaya sya? Kumusta na kaya si Lito? Oo alam kong pinatay nya ako pero hindi pa rin maalis sa akin na minsa'y tinuring ko na syang tunay na kapatid. Napalapit na rin kase ako sa kanya noong una pa lang kaming nagkita. Pati si Kyle? Kumusta na rin kaya sya ngayon? Ayos lang ba kaya sya? Sila na kaya ni Grace? Ayos na kaya sina Allysa at April? Hay naku, nakakaiyak talaga! Ang dami ko nang namiss na mga pangyayari sa Mortem mula nang nawala ako. Kaya ngayon tumulo na lang basta ang luha ko habang nag-aayos ng gamit sa locker.

"Hi baby Zan... Wait, are you crying?" tanong sa akin ni lintang Teena. LinTeena for short. Ngayon alam ko na ang pakiramdam nung kapatid ko nung mga araw na baliw na baliw sa kanya si April.

"No, I'm not. Pagod lang talaga ako kaya pati mata ko pinagpapawisan." pagpapalusot ko na lang kahit alam kong hindi kapani-paniwala.

"Ooookay. So saan lakad natin ngayon?" tanong nya at kumapit sa braso ko.

"Lakad ko lang, hindi natin! Sa CR. Wag mong sabihing sasama ka pa sa CR?" sagot ko sa kanya

"Pwede ba?" tanong nya kaya naman hinigit ko na ang braso ko at tumakbo papunta sa CR ng mga lalaki. Pagpasok na pagpasok ko, nagulat na lang ako nang wala na ako sa CR. Nasa may bahay na ako kung saan ako muntik nasunog.

- - - - - F L A S H B A C K - - - - -

Wala na akong nagawa nang ibato sa akin ni Lito ang lighter habang nasa loob ako ng bahay. Akala ko katapusan ko na pero bigla na lang merong tao sa likod ko na binuhusan ako ng sandamakmak na tubig. Galing sya sa CR! So hindi lang pala kami ni Lito ang nandito sa CR! Pagtingin ko kung sino sya, ANG CLOWN!!! Naramdaman kong binuhat nya ako at pinunta sa CR. Tinanggal nya ang tali na nakatali sa akin at inilublob ako sa tubig ng tub. Akala ko ay tutuluyan na nya akong papatayin pero ginawa lang pala nya yun para maibsan ang mga natamo kong paso. Nandun lang ako buong oras sa CR samantalang sya ay nagmamasid lang sa may bintana.

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon