Brotherhood

1.7K 38 9
                                    

Author's note
Agad-agad? Hahaha! Gusto ko lang pong sabihin, pagkatapos po ng pagkamatay ng ating killer, malalaman na rin po ninyo sa chapter na ito ang magkapatid... Hayan na! This is it!

Rowena's POV

Nabulabog ang mahimbing kong tulog nang meron akong marinig na nagsisigawan at nagtatawanan sa baba. Naku naman! Tinignan ko yung oras sa tabi ng kama ko, 5:14 pa lang naman? Binuksan ko na yung bintana pero madilim pa. Halos lahat naman ng mga kaklase ko ay nasa baba na kaya naisipan ko na ring bumaba.

Sa baba, sinalubong ako ng Macarean ng malalakas na torotot

"GOOD MORNING ATE!!!" sigaw sa akin ni Angelo

"Teka nga, ang ingay nyo naman, umagang-umaga!" sita ko sa kanila

"Wag ka ngang bitter dyan ate! Heto ang unang araw na wala nang harm! Kaya dapat lang na magsaya tayong naka-survive!" sa bagay, may point si Angelo. Napansin ko namang wala si Troy at ang mga housemates nya (maliban ka Mari), pati na rin sina Kyle, Grace at April

"Teka, nasaan yung iba? Bakit kayo-kayo lang?" tanong ko sa kanila

"Si Troy at Jorick, kanina pang lumabas, pumunta sa storage. Kukuha ng ingredients!" may sasabihin pa sana si Regine nang sumabat na ako

"Teka, ingredients? Anong meron?"

"Celebration nga natin ate! Tsaka yung sina Kyle at yung tatlo nyang babae magkakasama sa canteen, sila na daw bahala magluto" sagot ni Regine

"Hinayaan nyo yung apat na yun na magsama sa canteen na sila lang? Baka kung ano pang mangyari sa kanila?" hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at tumakbo na agad sa canteen. Nagulat naman ako sa naabutan ko, ang tahimik ng paligid. Walang nagbabangayan, walang nagsasampalan. As in, maninibago ka.

"Good morning guys!" bati ko sa kanila. Medyo naiilang pa akong magsalita pero binati rin nila ako

"Good morning bakla!" sigaw sa akin ni Allysa ng buong sigla sabay peace sign. Todo rin ang ngiti nito pero nawala rin agad dahil sa namumuong tensyon sa loob ng canteen

"Bakit ang tahimik nyo?" tanong ko sa kanila

"Bakit ate? Ayaw mo nun? Gusto mo ng bugbugan gaya ng dati? Kagaya ba nito?" sabi Allysa sabay batok kay April

"Ouch! What the hell!" sabi ni April at binato si Allysa ng kutsara

"Oh, saglit lang naman! Nagtatanong lang ako, hindi ko sinabing magkagulo na kayo dyan!" pagsita ko sa kanila

"Bakit ate? May problema ba?" lumingon naman ako at nakita ko sina Troy at Jorick na may dalang pushcart na puno ng kung ano

"Wala naman masyado. Tinanong ko lang kung bakit tahimik sila eh nagbatukan at nagbatuhan na sila! Pero wala na yun, tapos na. Bakit pala tahimik sila? Ano na naman bang ginawa mo?" matawa-tawa kong tanong dahil feel ko may ginawa na naman ito

"Wala ah, dumating sila dito na normal lang naman, pero nung nakompleto na silang apat nagkailangan na. Baka siguro sa nangyari kahapon?" sagot ni Troy

"Kailangang ipaalala? Kailangang i-world wide?" sarkastikong tanong ni Allysa. Napansin kong mas nailang si Grace. Tumayo ito at lalabas sana nang hawakan ko ito sa braso

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya

"Magpapahangin lang ate, I need some fresh air!" sagot nito

"Kailangan mo pala ng fresh air? Edi sana tumabi ka na lang kay April! Masyado na kase yang mahangin! Pero ewan ko lang kung fresh pa yan?" deretsahang sagot ni Allysa sabay tingin kay April na parang nandidiri. 

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon