Walk Away

919 26 3
                                    

Third Person's POV

Sa Mortem Academy, bangag na pumasok ang mga estudyante pati na rin sina Joshua at Mara.

"Excuse me po ma'am. Pwede pong lumabas po muna? Umaatake na naman po yata ang paglilihi ko. Bibili lang po ako ng fishballs. Babalik rin po ako agad, promise!" pagpapaalam ni Grace

"Tara na." sabi ni Lito at tumayo na.

"Hahaha, wag na. Kaya ko na." sabi ni Grace at tumayo na rin

"Sigurado ka ba? Baka mamaya mahilo ka pa dyan sa daan?" tanong ni Lito

"Hindi na naman ganoon kalala ang paghihilo ko. Sumasakit lang minsan ulo ko pero kaya ko na talaga. Salamat na lang." sagot ni Grace

"Magpasama ka na. Aarte pa kase eh. Concern lang naman kami sayo kase buntis ka. SIge na Lito. Samahan mo na." sabi ni Allysa na hindi man lang tumitingin kina Lito at Grace. Hanggang ngayon kase ay nakatulala pa rin sya sa lahat ng nangyari.

"Wag na bestie. Kaya ko naman. Tsaka hindi naman ako mapapahamak." hindi na nagawa pang ituloy ni Grace ang sasabihin nang hinampas ni Allysa ang mesa tsaka tumayo

"ANG TIGAS TALAGA NG ULO MO GRACE! HINDI MAPAPAHAMAK??? EH BAKIT SINA TEENA? SI JORICK? SI VINA? UNPREDICTABLE AT UNEXPECTED ANG MGA PAGKAMATAY NILA! TAPOS NGAYON SASABIHIN MO HINDI KA MAPAPAHAMAK? EH PAANO KUNG NAWALA KA? MAKAKAYA KO BA? HINDI BESTIE! MASAKIT MAWALAN NG KAIBIGAN! PERO MAS MASAKIT ANG MASUNTOK SA TIYAN LALO NA'T BUNTIS KA! NGAYON MAMILI KA! LUMABAS MAG-ISA O LUMABAS NG DI ORAS YANG ANAK MO?" sigaw ni Allysa

"Aww! Alam ko ang pakiramdam ng maiwanan ng kaibigan. Tanda mo noong iniwan mo ako kase pinagpalit ka sa akin ni Kyle?" tanong ni Grace na nakangiti

"Ahem, ahem." pagpapapansin ni Queenie sa isang tabi

"Oops, sorry!" sabi ni Grace kaya binato sya ni Allysa ng libro sa noo.

"Yan! Ang daldal mo kase! Pasalamat ka at hindi kita sa tiyan binato! Umalis ka na nga! Bumili ka na doon! Basta mag-iingat ka. Any last words para kay Grace guys?" this time si Grace naman ang nangbato ng libro kay Allysa

"Grace, Allysa! Tama na yan! Parang hindi buntis isa sa inyo ah! Well ito nga ang last words ko sayo Grace. Lagi mong tandaan na... Ouch! Joke lang naman!" hindi na natapos ni Mara ang sasabihin nang binato ito ni Grace ng libro.

"Hahaha, okay! Bye mga ugly dudes!" pagpapaalam ni Grace at lalabas na sana nang tinawag ito ni Kyle

"Grace saglit sasamahan kita." napalingon naman ng di oras si Grace kay Kyle.

"No need. Si Lito nga na boyfriend ko hindi na ako nagpasama. Ikaw pa kaya na ex ko? Wait lang, lilinawin ko lang. Ex nga ba talaga kita? Siguro sa akin ex kita. Pero ako, hindi mo ex kase nga diba panakip-butas mo lang ako? Well, past is past. Nakalimutan ko na ring naging tayo pala! Excuse me mga ugly dudes! Nagugutom na ang baby namin ni Lito." sabi nya at lumabas na

"Excuse me ma'am. May I go out. Bibili lang po ako ng fishballs." pagpapaalam ni Kyle dahil yun lang ang naisip nyang dahilan para masundan si Grace

"Wait, sasama ako. Sasamahan kita." natatarantang sabi ni Queenie

"Kung mataranta ka, buntis rin yang boyfriend mo na kailangan mong bantayan?" tanong ni Allysa na malapit na namang mag-on ang bitch mode nya.

"Eh paano kung si Grace na naman ang susundan nya?" tanong rin ni Queenie

"Huh! As if namang gusto pa ni Grace si Kyle. Sa lahat ba naman ng ginawa ng boyfriend mo sa bestie ko? Saludo nga ako sayo dahil bakit napagtitiyagaan mo pa ang ugali ng lalaking yan!" sabi ni Allysa

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon