Leslei's CDs

759 24 5
                                    

Author's Note:
Nalaman na sa nakaraang chapter kung sino nga ba ang killer. Nalaman nyo na rin ang tunay na kaganapan sa 7 stabs... sure kayo??? Hahaha! Akala nyo yun na talaga ang history ng 7 stabs ha! Hahahaha! May bigger revelation pa tungkol sa 7 stabs na yan kaya you better watch out!

Troy's POV

Lahat ng natitira pang buhay ay nandito ngayon sa basketball court at nagluluksa. Lalo naman si Allysa nang mabalitaang pinatay ang kaibigan nya na si Grace. Sobra na lang ang dalamhati nya dahil sa buntis na pinatay ang kanyang bespren.

Pati si Zandrex ay ganoon na rin ang pagluluksa dahil daw napabayaan nya ang kapatid nya.

"Guys, konti na lang tayo. Kailangan na talaga nating malaman kung sino ang killer na yan!" sigaw ni ate Rowena.

"Paano mo naman magagawa yun Rowena?" tanong ni sir Joshua

"Sa kahit na anong paraan! Gagawin ko ang lahat para lang malaman kung sino nga ba sya! Kung pwede lang ulitin ang ginawa nila Grace at Diana noon ay gagawin ko ulit ngayon!" sigaw ni ate Rowena

"Eh paano nga kung mapahamak ka?" sigaw na rin ni sir Joshua

"Pakialam mo? Mapahamak na kung mapahamak! Basta isusugal ko ang buhay ko para lang malaman kung sino ang killer na yan!" sigaw ulit ni ate Rowena

"Baka nga mapahamak ka dyan sa gagawin mo!" sigaw ulit ni sir Joshua

"Pakialam mo ba?" tanong ni ate Rowena

"Edi go! Sige! Itaya mo buhay mo dyan sa killer na yan! Basta wag mong sasabihing hindi kita pinagbantahan ah!" sigaw ni sir Joshua at um-exit na. Totoo ba yung nakita ko? Namutla ba si sir? At bakit sya nauutal? Nakakapanhinala tuloy.

"Ate Rowena! Wag mo naman nang isugal ang buhay mo! Baka may mas madali pa pong paraan." sabi ko sa kanya

"Pwera na lang kung meron tayong mahanap na clues." sagot nya

*clues

*clues

*clues

Paulit-ulit na nagp-play sa utak ko

"CLUES!!!" sigaw ko sabay takbo sa kwarto ko.

Hinanap ko agad sa closet ko yung shoe box kung saan ko inilagay ang blank CD na ibinigay sa akin ni Leslei noon. Tama nga! Baka nandito ang clue!!!

Lumabas ako dala ang blank CD na yun.

"GUYS!!! HOUSE D!!! HURRY UP!!!" sigaw ko sa kanila at sumunod naman silang lahat sa akin sa pagtakbo papunta sa house D.

Agad akong pumunta sa may DVD player namin tsaka in-insert ang CD. ANg mga kasama ko naman ay nagsiupo na sa sofa at couch sa bahay.

Pagka-play ay agad na rin akong umupo. Lumabas sa screen si Leslei kaya natahimik na kaming lahat

Hi guys! I am Leslei Floresca! Ang inyong bagong magiging back-up sa inyong pagsubok sa Mortem Academy. Una sa lahat, alam nyo naman siguro na mahilig ako sa mga patayang basahin o panood diba? Nagsimula ang lahat ng obsession ko dito dahil sa inyo...

Nagsitinginan naman kaming lahat sa sinabi ni Leslei. Dahil sa amin? The hell! Pero wala ni isa sa amin ang nagsalita o gumawa man lang ng ingay. Lahat kami ay sumentro ulit sa panonood

Alam nyo bang kalat na kalat ang issue ng patayan dyan sa Mortem hanggang dito sa amin dito sa Sanguinem? At sasabihin ko lang. Ang video kong ito ay ini-record ko sa araw bago kami lumipat dyan sa Mortem. Tama po. Bukas na po ang alis namin papunta dyan sa inyo. Kung napapanood nyo man ito ngayon, naalala nyo noong unang araw namin dyan? Yung araw bago yun na ini-record ko itong video.

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon