Ang Huling KalBARYO

606 16 0
                                    

Third Person's POV

Pagkatapos ng malaking pagsabog mula sa malaking TV, heto ngayon ang mga tao at nakahiga sa basketball court. Lahat sila ay sugatan sa nangyari at halos hindi na makatayo.

"Guys! Ok pa ba kayo?" napalingon naman sila sa narinig at nakita nila si Diana na nakasuot ng pang-clown pero hindi na nakamaskara. Nakita rin nila ang benda sa buong ulo nito dahil sa pagggawang pagsuklay sa kanya dati ni Yaweh gamit ang steel brush.

"T-teka! D-diba patay ka na? D-diba pinatay ka na ni madame?" nanginginig na tanong ni Rowena dahil sa magkahalong takot kay Diana at sakit ng katawan

"Yeah! Hindi ba pwedeng makasurvive sa simpleng pagdurugo ng anit? Tsaka sobrang thankful ko nga sa doctor namin ni kuya Joshua dahil pati dila ko nagawa nyang maayos dahil sa pagtusok ni Yaweh!" sagot ni Diana

"Kaya ba amoy alcohol ka dahil sa paggamot mo sa ulo mo?" tanong ni Zandrex

"Ang tanga ng hindi makakasagot nyan Zandrex!" tipid na sagot ni Diana

"Isa pa, alam nyo ba kung bakit sobra akong thankful sa doctor na yun? Kase nagawa nyang buhayin ang kuya ko! Ang kuya ko na nagawa mong ipapatay Rowena Balleras 3 years ago!" sigaw ni Diana sabay labas ng kanyang malaking itak. Nagsigawan naman ang lahat dahil wala sa kanila ang makakagawang tumayo at tumakbo palayo.

"Diana please wag! Sorry na! Alam ko mali ako pero pinagsisisihan ko na yun lahat! Please! Ibaba mo yang itak mo! Kalma ka lang Diana!" pagpapakalma ni Rowena

"Kalma? Ako kakalma? Hindi! Hindi ako makakalma hangga't hindi kita napapatay Rowena, lalo na ang lahat ng mga tao dito ngayon!" sigaw ni Diana at isa-isang itinutok ang itak sa mga kaklase at maging kay Mara 

"Diana, ano ang itinuro ko sayo?" biglang paglapit sa kanila ni Joshua

"Kuya naman! Hindi ko ba sila tatapusin? Ano bang itinuro mo? Wala kang itinuro na hindi ako pwedeng pumatay!" reklamo ni Diana

"Sino ba nagsabi sayo na pipigilan kita? Ang nais ko lang sabihin, ang itinuro ko sayo noong bata ka pa. Be considerate. Wag basta-basta magpadala sa emosyon. Bakit hindi mo sila pagbigyan ngayon?" napanganga naman si Diana sa sinabi ng kuya nya.

"Kuya seryoso ka? Sasayangin pa ba natin ang pagkakataong ito para patayin sila? Kuya naman!" sigaw ni Diana pero hindi ito pinansin ni Joshua. Bagkus, humarap si Joshua sa mga kasamahan nya at nagsalita

"Rowena, Troy, Mara, Christian, Lito, Lester, Jayson, Zandrex, Joseph, Allysa at April! Sa inyong labing-isang natitirang survivors, bibigyan ko kayo ng pagkakataon na iligtas ang inyong mga sarili. Tatalikod kami ni Diana at bibilangan namin kayo ng isang daan. Sa loob ng isang daan na yun, pwede kayong tumakbo, pwede kayong magtago, pwede kayong tumakas. Pero pagkatapos ng isang daang segundo, kung sino man ang maabutan, mahabol o mahanap namin, sinisiguro kong hindi na kayo mabubuhay pa!" sigaw ni Joshua sa mga kasama

"Pero kuya! Hindi ba masyadong mahaba ang isang daang segundo? Baka tuluyan na silang makatakas?" sabi ni Diana kay Joshua

"Kapatid, sa lagay nilang yan na malalang nasugatan sa tingin mo makakalayo sila ng ganoong kabilis? Trust me Diana! ISA!!! TUMAKBO NA KAYO!!! DALAWA!!! MAGTAGO NA KAYO!!! TATLO!!! TUMAKAS NA KAYO!!!" pag-uumpisang magbilang ni Joshua habang nakatalikod sila ni Diana sa mga kasama. 

Dahil sa sobrang taranta at aligaga, kanya-kanya nang takbo ang mga tao palayo sa area kahit na iika-ika pa at kahit gumapang na.

After 100 Seconds...

Sa iisang lugar nagtago-tago sina Allysa, Jayson at Lester. Nagtago silang tatlo sa likod ng house O

"A-a-allysa, ng-ng-ngayon na siguro ang huling araw ko dito sa mundo. W-wag ka s-sanang magagalit L-lester. Oo tama ang hinala mo noon pa. Mahal ko si Allysa Lester. P-pero maniwala ka, h-hindi ko binalak o pinlanong agawin sya sayo!" pag-amin ni Jayson

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon