ANG HULING LABAN

851 24 3
                                    

Continuation...

Sa kabilang dako, magkakasama ring nagtago sina Christian, April at Troy sa iisang area. Lahat sila ay nagtago sa storage room

"April sorry hindi kita maipagtanggol! Sorry rin kung hanggang dito na lang ang kaya ko para mailigtas ka! Sorry April!" paghingi ng tawad ni Christian dahil nawawalan na sya ng pag-asa. Hindi na sya ang Christian na matapang, na paaasahan, na mapagkakatiwalaan, na Christian Peregrino at your service. Ang Christian na lang ngayon ay ang takot at duwag nang si Christian.

"Christian, ayos lang yun! Lahat na bagay may hangganan. At sa tingin ko ito na talaga ang hangganan ko, ng hangganan mo, ng hangganan nating lahat. Everything happen for a reason. Kaya wag ka nang mag-sorry dyan! Tanggap ko na ang lahat." sagot ni April.

"Sorry. Pero lagi mo sanang tatandaan na mahal na mahal kita! I love you so much!" paulit-ulit na sinasabi ni Christian habang hawak ang dalawang pisngi ni April

"I love you too." nakapikit na sagot ni April

"Guys! Troy here! Your vice president! Ang lakas nyong mang-OP ah!" kahit nahihirapan na, nagawa pa ring tumawa kahit konti nila April at Christian.

"Sorry naman daw!" sagot na lang ni April

"Nagawa nyo pang maglabing-labing dyan! Nang-iinggit pa kayo! Alam nyo namang malungkot love life ko eh! Ang tagal ko na nga yung tinanggap na mamamatay ako na walang partner man lang! Pero ngayon mamamatay na ako, kayo pa ang huli kong makakasama! Haha!" sabi pa ni Troy

Natigil naman sila sa pag-uusap nang may kumalabog sa labas

"Alam kong may tao dito! Lumabas kayo dito!" sigaw ni Joshua sa labas

"Wag kayong maingay! Ako bahala!" bulong ni Christian sabay kuha ng grinder sa gilid. Pumwesto pa sya sa gilid ng pinto bilang paghahanda sa pagpasok ni Joshua

"Sana man lang maging proud kayo sa huling gagawin kong ito. Ito na siguro ang huling pagkakataon na magiging at your service nyo ako!" sabi ni Christian at naluha na lang.

"Christian! Ano ba sinasabi mo? Matagal na kaming proud sayo! Mula sa pagiging substitute president mo, sa pagligtas mo sa mga kasamahan natin, sa pagiging peace maker mo, lahat nang yun ay napakalaking bagay na sa amin Christian. Kaya salamat na rin ha! Kung hindi dahil sayo baka dati pa ubos na kami." sagot ni Troy kaya mas lalo syang naluha

"Yah! Ikaw pa ba! Sinong hindi kaibigan ang magiging proud sa tulad mo? At ako rin! Sa tingin mo ba hindi ako proud girlfriend sa mga nagawa mo?" tanong ni April

"ANG INGAY NYO!!!" sigaw ni Joshua sabay sipa sa pintuan kaya bumukas ito. Dahil alerto, itinutok agad ni Christian ang grinder sa tiyan ni Joshua tsaka pinindot ang switch button. Pero nabigla na lang si Christian nang mapansing hindi pala nakasaksak ang grinder.

"TROY ISAKSAK MO!!!" sigaw ni Christian. Papunta na sana si Troy sa saksakan nang umalisto si Joshua. Agad inagaw ni Joshua ang hawak ni Christian na grinder at buong lakas na ipinukpok ito sa ulo nito. Dahil sa sobrang tigas ng grinder at dahil sa sobrang lakas ng pagkakahampas, agad nawalan ng malay si Christian.

Agad ring tumakbo si Joshua papunta sa kinaroroonan ni Troy. Isasaksak na sana ni Troy ang saksakan ng grinder nang buong lakas na sinipa ni Joshua ang mukha nito kaya tumilapon palayo si Troy.

"Ako na ang gagawa ng hinihiling mo!" sabi ni Joshua sabay saksak ng Grinder. "At ako na rin ang gagawa!" dagdag pa nito sabay switch ng grinder, sabay tusok nito sa tiyan ni Troy. Kahit nangingisay na si Troy dahil sa patuloy na pag-ikot ng grinder sa tiyan nito, hindi pa rin nakonsensya sa Joshua at mas lalo pang ibinaon ang grinder sa tiyan ni Troy hanggang sa maglabasan na ang sandamakmak na dugo sa bibig nito.

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon