Grace's POV
Makalipas ang ilang araw na hindi na talaga lumalapit sa akin si Kyle. Ni hindi na nga sya halos ngumiti sa akin o tumingin man lang. Sa Mortem laging si Zandrex ang kasama nya, kung wala naman si Zandrex nasa likod sya mag-isa. Lagi nyang itinutuon ang sarili sa pisara o sa libro nya. Sa subdivision naman, hindi na sya halos lumalabas ng bahay nila. Lumalabas lang sya kapag naisipan naming mag-boodle fight. Pero kahit na ganoon, nakatutok pa rin sya sa pagkain at hindi man lang tumitingin sa mga kasama.
Nakakapanibago kaya. Wala nang magsasabi sayo na 'Wag ka nang malungkot Grace. Mas nalulungkot ako kapag nakikita kitang nasasaktan.' 'Grace sorry na!' o kahit 'honey ko' wala na akong naririnig mula sa kanya.
"Grace ayos ka lang?" nagulat naman ako nang biglang magsalita si Lito. Nandito kase kami ngayon sa fishball-an. Sabado ngayon pero nandito pa rin si mamang fishball vendor.
"H-ha? Oo naman! Better that yesterday!" taas-noo kong sagot tsaka ngumiti sa kanya, pero nagulat na lang ako nang bigla nya akong yakapin.
"Better than yesterday? O worse than yesterday? Sa tingin ko kase hindi ka pa masaya eh. Malungkot ka pa rin." sabi nya sa akin
"P-paano mo naman nasabi?" tanong ko sa kanya kaya humiwalay sya ng yakap
"Napakatraydor kase ng mga luha. Tinakasan ka na naman." bigla naman akong napapunas na pisngi at mata ko at basa nga sila
"Nah! I'm not crying! Pinagpapawisan lang ang mga mata ko." sabi ko tsaka tumawa ng pilit pero humikbi lang ako, kaya naman niyakap ulit ako ni Lito.
"Pagod ka na no?" tanong nya sa akin pero hindi ako sumagot. "Ano bang pagkakapareho ng pawis at luha maliban sa pareho silang tubig?" tanong nya sa akin kaya ako na ang umalis sa pagkakayakap.
"Hindi man sila parehong galing sa mata, pareho naman silang tutulo kapag pagod ka na." kasabay ng pagsagot ko ay ang pagtulo ulit ng mga luha ko.
"Yan, pagod ka na nga talaga. Namimiss mo na si Kyle no?" tanong nya sa akin
"Ewan ko." pagkasagot ko nun ay syang pagdating ni Kyle sa area namin.
"Kuya twenty pesos." sabi ni Kyle na hindi man lang tumitingin sa amin. Kumuha na rin sya ng baso nya at stick at sya na rin ang nantuhog ng mga fishballs. Papaalis na sana sya nang tinawag ito ni Lito.
"Kuya Kyle!" pagtawag ni Lito. Sasawayin ko pa sana sya nang lumingon na si Kyle. Kaya wala na akong choice kundi ang magpretend na kumukuha ng fishballs.
"Ow, makakuya ka ah! Haha." kahit nakatalikod ako ramdam ko sa boses nya na parang pinipeke lang nya ang tawa nya.
"Wala lang! Gusto ko lang mag-hi!" sabi naman ni Lito. Trip nito?
"Edi hello! Haha." kahit nakatalikod, na-feel kong umalis na sya.
"Kyle saglit! May sasabihin si Grace!" napalingon naman ako ng di oras sa sinabi ni Lito. Sakto rin namang lumingon si Kyle kaya nagkatinginan kami, pero umiwas rin ako tsaka sinamaan ng tingin si Lito
"Ano yun Grace?" halos hindi naman ako makatingin nang nagtanong na si Kyle
"Ah, eh. K-kase ano." sinamaan ko naman ng tingin si Lito na parang sinasabing 'kasalanan-mo-ito-Lito-gawan-mo-ngayon-ito-ng-paraan!'
"Kukumustahin ka sana ni Grace. Namimiss ka na daw kase." sabi ni Lito kay Kyle kaya sinamaan ko na naman sya ng tingin
"The feeling is mutual." sabi ni Kyle tsaka tinignan ako sa mata. Pagkatapos nyang sabihin yun ay umalis rin sya agad. The feeling is mutual? Namimiss rin nya ako? Eh bakit hindi nya ako kinakausap? Ang tanga ko rin naman no! Alam ko na nga ang sagot tinatanong ko pa. Malamang nagsawa na sa pangungulit sa akin. Pagod na rin siguro. Hindi ko naman sya masisi dahil may kasalanan rin naman ako.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...