Michael's POV
Iilan lang kaming pumasok ngayon. I mean, ilan na lang pala kaming magkakaklase ngayon. Alam nyo yun, sobrang boring! Sayang namatay na si Gerby, wala na akong mapagtripan. Tas bumalik na rin sina sir Joshua at Krysta. Meron pa ngang grand come back. Kumusta naman kaya daw yun? Ano yun, celebrity sila? Pero heto pa rin si sir at ganado sa pagtuturo kahit 14 na lang kami.
"Sir, seriously? Ganado pa rin kayong magturo kahit ilan na lang kami?" lakas-loob kong tanong, bakit ba?
"Pakialam mo ba? Siyempre ginagawa lang nya trabaho nya! Teacher nga diba? Edi magturo! Magulat ka kapag namimingwit sya dyan sa harap natin!" sagot ni Vanessa na gaya ko, bad trip na rin.
"Hindi naman nakakagulat yun! Hindi na rin ako magugulat kung hipon ang nabingwit nya kase nasa harap ka!" sagot ko rin naman! Aba, anak ako ng mayor kaya what do you expect? Nagagawa at nasasabi ko lahat ng nais ko!
"Excuse me, for your information mister, maganda ako! Kaya nga walang naglalakas-loob na tumabi sa akin kase mahihiya sila! Mukha ko pa lang, talbog na sila! Ako lang naman kase ang dyosa na na-reincarnate bilang tao!" nagsi-react naman silang lahat sa sinabi ni Vanessa
"Ang kapal ng mukha mo bitch! Sarap imudmod ng mukha mo sa inidoro!" sigaw ni Krysta
"Kaya nga naman!" pagsang-ayon ko pero itinaas lang ni Krysta ang middle finger nya sa akin.
"Bitch! Isa ka pa! Kung maka-sang-ayon ka naman! Porke anak ka lang ng mayor! Wag mo akong gagalitin ah! Kagagaling ko lang sa aksidente! Badchrip ako ngayon!" pagbabanta nya sa akin.
"Bakit? Anong gagawin mo? Hahaha, as if namang matatakot ako sa mga banta mo! Baka ikaw ang unahin kong ipapatay ko sa papa ko!" sagot ko naman
"Edi gawin mo! Hindi ako natatakot sa inyo ng tatay mo! Pareho lang naman kayong walang silbi! Walang ibubuga at pareho kayong pulpol!" sigaw ni Krysta. Susugudin ko pa sana sya nang pigilan ako ng iba
"Guys tama na yan! Gaya ni Krysta kakagaling ko lang din sa aksidente. Kapag ako nagalit nyo ipapatanggal ko kayo dito sa school!" mahinahon pero may halong konting galit sa boses ni sir kaya natawa na lang ako.
"Naririnig nyo ho ba ang sinasabi nyo? Baka kayo ang ipapatanggal ko sa school na ito!" sigaw ko sa kanya
"Hoy! Wala na ba talagang preno yang pananalita mo?" sigaw ni Vanessa
"Wala! Pakialam mo!" sagot ko naman nang bigla akong may naramdamang masakit sa pisngi ko
"Deserve mo yang sampal na yan bitch! Wala na akong pakialam pa kahit sino pang politiko ang nananalaytay sa dugo mo!" sigaw ni Krysta na nasa harap ko na pala.
"VANESSA!!! MICHAEL!!! KRYSTA!!! SABING WAG NYO AKONG GAGALITIN EH! LUMABAS KAYO NGAYON DIN!!!" umalingawngaw ang napakalakas na sigaw ni sir kaya natahimik kaming lahat.
"Kayong tatlo, maglilinis sa CR buong maghapon!" dagdag pa ni sir
"What?" -Vanessa
"Ako, paglilinisin mo?" sabi ko naman samantalang si Krysta ay napataas na lang ang kanyang middle finger kay sir. Palibhasa close sila kaya ganyan na lang yan.
"Pasalamat kayo at sa CR ko lang kayo paglilinisin!" sagot ni sir
"Sige na mga bitch! Saan po ba sir? At nang maumpisahan na!" sigaw ni Krysta
"Yung CR sa likod ng basketball court." sabay-sabay naman kaming napa-'HUH!!!' dahil yun yung hindi na nagagamit na CR. Doon kadalasan nagaganap ang mga rape incidents.
Third Person's POV
Maghahapon na pero hindi pa rin kumakain si Chris ng tanghalian nya. Nananatili syang nakatitig sa kawalan habang umiiyak.
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...