Kyle's POV
Lumabas na kami nila Grace na magkahawak ang kamay kasama si Allysa. Nagtungo kami sa pool area dahil baka nandun sila at di nga kami nabigo dahil nandun sila lahat. Sinalubong naman kami nila Carlo at Maricar na kapwa nakatakip ng kamay sa bibig
"OH MY GOSH!!! ANG HOT MO FAFA KYLE!!!" sigaw ni Carlo at tumili pa talaga. Yeah, yeah. I know right! Wag nang ipagsigawan Carlo!!! Binatukan naman ito ni Maricar
"Gaga! Yung katawan na naman tinitignan mo Carlota!" -Maricar
"Pero seriously? Kayo na ba talaga ULIT?" tanong ni Maricar
"Yah, sila na!" si Allysa na ang sumagot para sa amin
"Woah! Talaga? Wow! I'm so proud of you!" sabi ni Carlo at niyakap ako, hindi lang basta yakap, may sound effect pa! Basta alam nyo na yun. Sinabunutan naman sya ni Allysa sa likod nito at hinila palayo sa akin
"Huy, bakla! Pigil-pigilan mo nga minsan yan kalibugan mo! Nandyan pang nakaharap mismo ang girlfriend nya oh!" sabi ni Allysa pero natawa na lang kami ni Grace
"Grabe! Libog agad? Malandi, ayos lang!" sagot naman ni Carlo
"Ano ba kayo! Ayos lang naman no?" sabi ni Grace sa tabi ko
"OH! NARINIG MO YUN ALLY??? AYOS LANG DAW! GIRLFRIEND NA MISMO NAGSABEE!!!" sabi ni Carlo at bumalik ulit sa pagkakayakap sa akin, pero si Maricar naman ngayon ang humila sa kanya
"Ang manyak mo talaga!" sabi ni Mari habang hinihila si Carlo, paglingon ni Carlo ay agad nyang itinulak si Maricar sa pool.
"WAAA!!! BALYENA!!! HAHAHA!!!" sigaw ni Via na nasa pool habang kunyaring mabilis na lumalangoy
"AHHH!!! OO NGA!!! TEKA, HINDI YAN BALYENA, BUTANDING YAN!!!" sigaw rin ni Lito at lumangoy na rin
"Manahimik nga kayo! Eh mukha ngang dugong yan eh! HAHAHA!" dagdag rin ni Zandrex at nagtawanan naman silang lahat
"Grabe! Nakaka-stress kayo! Sige, magsialis na nga kayo!" nabwibwisit na sigaw ni Mari habang pinapalo pa ang tubig
"Hahaha! Hayan ang mga napapala ng mga pakialamera Mari! nilulublob sa tubig!" sabi ni Carlo at kunwaring tinatapakan pa ang ulo ni Mari
"Uy, diba magkaibigan naman kayo? Bakit hindi mo sundan?" tanong ni Allysa at itinulak si Carlo sa pool
"Ano? Ang sarap ng tubig diba? Ngayon tatawagin ko na itong 'pool of busybodies' Oh diba, bongga?" sabi ni Allysa
"Anong bongga dun? Paano naman ako naging busybodies? Sexy body pwede pa! Tignan mo itong suot ko, wag ka! Perfect!" sabi ni Carlo at inihagod pa ang kamay sa beywang
"Perfect sana kung sa akin nakasuot yan! Pakialamera ka rin no? Alam mo ba kung kanino yan? Kaya pala kanina ko pa yang hinahanap sa maleta ko, nasa iyo lang pala!" natawa naman ako sa sinabi ni Allysa
"Sorry, akala ko kase akin ito eh!" sabi ni Carlo
"Paano naman naging sayo yan? Kailan ka pa nagkaroon ng bikini?" tanong ni Allysa
"Binilhan ako ng tatay ko, bakit? Aangal ka?" natawa naman kami ni Grace sa convo nilang dalawa. Di naman sinasadyang napatingin ako sa kabilang side namin, sa may slide. Nasa taas si April at nakatingin lang sa amin. Nagulat nga ako dahil wala man lang syang naging reaksiyon sa holding hands namin ni Grace. Kung noon nga makita lang nyang nakatingin ako kay Grace sisigawan nya ako at sasampalin nya si Grace, pero ngayon namang holding hands na kami wala man lang kibo. Nagkatagpo naman ang mata namin ni April pero sya rin ang unang umiwas. Anyare dun? Napatingin ako kay Grace at nakatingin rin sya kay April, lumingon si Grace sa akin at ngumiti ng mapait
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...