Ground Human

763 23 8
                                    

Zandrex' POV

Gabi na pero nandito pa rin ako sa house D para kausapin at i-comfort si Via. Alam kong ang bading na nandito ako ngayon pero wala akong pakialam. Si Via ang ipinunta ko dito.

"Via, paano ka nakatakas? Bakit ka nasa loob ng vault?" imbes na sumagot ay lalo lamang syang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya niyakap ko na lang sya.

"Guys, hindi pa kayo naghahapunan. Heto baka gusto nyo ng merienda? Heto nagbake kami kanina ni Rowena ng cookies baka gusto nyo. At gatas na rin pampakalma kahit papano." sabi ni ma'am Mara sabay lagay ng tray sa harap namin

"Thank you ma'am." sabi ko na lang kaya umalis na sya.

"Sige, mukhang hindi ka pa readyng magsalita. Tara, ihatid na muna kita sa kwarto mo. Next time na lang kita kakausapin." sabi ko at inakay na sya papunta sa taas. Sakto namang nakasalubong ko si ma'am Mara

"Ma'am saan po kwarto ni Via? Ihahatid ko lang po. Mukhang pagod na pagod pa eh. Baka kailangan na nyang magpahinga muna." tanong ko kay ma'am.

"Dyan sa ikalawang pinto." sagot nya at nilagpasan na kami. Pagkalampas nya, naamoy ko agad na amoy alcohol si ma'am kaya napatigil ako.

"Via, hanggang dito na lang kita maihahatid ah! Basta lagi mong tatandaan na lagi akong nandito para sayo. Kapag kailangan mo ng kausap at karamay lapitan mo lang ako! Parang IwanTV lang ako eh. Anytime, anywhere. Just call my name and I'll be there, right away!" sabi ko sa kanya at niyakap sya sa huling pagkakataon tsaka pinapasok na sya.

Binilisan ko ang pagbaba baka maabutan ko pa si ma'am Mara at sakto namang nakita ko syang umiinom sa kusina.

"Ma'am." sabi ko sa kanya. Dahil siguro sa gulat, nabitawan nya ang baso at nahulog ito sa sahig.

"Zandrex! Anubayan! Bakit ka ba nanggugulat?" reklamo nya habang kinukuha ang walis sa gilid ng ref

"Ma'am bakit amoy alcohol ka?" nabigla naman sya sa itinanong ko. Napanganga sya habang nakatingin sa akin

"B-bakit mo naman naitanong?" tanong ni ma'am

"Bakit ka gumagamit ng alcohol?" tanong ko ulit. Sa kalagitnaan ng pagkagulat nya ay bigla syang tumawa

"Ano naman kung gumamit ako ng alcohol? What's the big deal about that? Lahat naman ng tao may karapatang gumamit ng alcohol! Tapos nagtataka ka kapag gumamit ako?" sabi nya habang tumatawa.

"Eh kanina pong umaga? Gumamit po ba kayo ng alcohol?" tanong ko ulit

"As always. Bakit ba? Lagi naman akong gumagamit ng alcohol ah! Alam mo yan, simula pa sa Roses are Red na chapter hanggang sa napunta tayo sa Sanguinem gumagamit na talaga ako ng alcohol. Bakit ba kase? Nakapagtataka ba?" tanong nya pero umalis na ako. Lumabas na ako at papasok na sana sa bahay namin nang makaamoy ulit ako ng alcohol. Lumingon-lingon ako at nakita ko si Lazaro na nakaupo sa ilalim ng isang malagong tanim sa gilid ng basketball court... at nakatingin sa akin? Bigla namang nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa mala-demonyo nyang ngiti sa akin. Pero kahit natatakot, nilakasan ko pa rin ang loob ko para lapitan sya!

"H-hoy Lazaro! B-bakit amoy alcohol ka?" nanginginig ko pang tanong sa kanya pero nigitian lang nya ako. Yung one-sided na ngiti lang na lalong nagpatayo sa mga balahibo ko

"H-hoy! Alam mo itinuturing kitang kaibigan Lazaro! Pero pwede bang wag kang weird dyan! Kinakabahan ako sayo eh! Bakit ka amoy alcohol Lazaro? Ikaw ba ang clown?" deretsahan ko nang tanong. Tumayo naman si Lazaro at lumapit sa akin. Ningitian lang nya ako tsaka tumalikod na. Dahil sa sobrang creepy na nyang tignan, hindi ko na natiis at hinila ko sya pabalik tsaka sinuntok.

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon