The Group Work (SPG)

1.3K 30 4
                                    

Zandrex' POV

Lunes na ngayon kaya hindi ko alam ang magiging takbo ng klase. Eh sa baguhan pa lang kami ni Joseph eh. Tapos hindi pa kami close nito.

"Guys, magkakaroon tayo ng group work ngayon kaya maghanda na. Heto ang inyong mga group. Blah blah blah." wala akong ganag makinig kay sir kaya hanggang dyan lang ang nainitindihan ko.

"Ang the last group. We have Shela, Janeth, Oliver, Joseph, Zandrex at Teena." nagulat naman ako dahil narinig ko ang pangalan ko

"Ano daw yun?" tanong ko na lang sa katabi ko na si Vanessa

"Yung group mates mo. Kayo nila kuya Oliver, Shela, Janeth, Teena at Joseph." sagot nya at umalis na para puntahan ang mga kagrupo nya

"Mr. Carino and Mr. Lazaro. Pinagsama ko na muna kayo sa iisang group para hindi kayo masyadong manibago sa inyong mga bagong kaklase." tumango na lang ako sa sinabi ni sir samantalang todo smile pa si Joseph

"OMG Zandrex my cutie pie! Magkagrupo tayo!" sigaw nya sa akin sabay kapit sa braso ko. Napaaray naman ako dahil nahigpitan pa nya ang kapit sa part ng sugat ko.

"Unfortunately." sagot ko na lang at pumunta na sa group mates ko. Kay Joseph na ako tumabi kahit hindi kami gaanong close pero at least medyo komportable ako dahil kakilala ko na.

"Guys, dahil iba't-ibang genre ng movies ang napanood nyo whole week, may kinalaman ngayon ito sa group works ninyo. Gagawa kayo ng sarili nyong script ng movie. Kayo na mismo ang mamimili kung anong genre ang gusto nyo. Ang submission ay mamayang 5 ng hapon kaya may time pa kayong mag-isip at gumawa. Ngayon punta na kayo kung saan man kayo magiging komportable. Garden, library, com lab, kahit saan basta wag lang sa labas ng school maliwanag? Dapat bago 5 ay nandito na kayong lahat. So maaari na kayong lumabas." sabi ni sir at nagsilabas na ang lahat

"So saan na tayo ngayon cutie pie?" tanong sa akin ni Teena

"Sa sementeryo." sagot ko naman

Expectation-

me: sa sementeryo
teena: bakit?
me: para dalawin natin ang puso kong patay na patay sayo

Reality-

"Bakit anong gagawin natin sa sementeryo? Magpapakabagito tayo? O dadalawin natin  ang puso mong baliw na baliw sa akin? Hihihi!" tanong nya sa akin

"None of the above. Ililibing kita doon ng buhay kapag hindi ka pa bumitaw sa braso ko. Sabi na nga't may sugat ako dyan eh!" sabi ko na lang sa kanya

"So saan nga tayo? Para matapos na natin agad!" sigaw naman ni Oliver. Like duh? Ayoko syang tinatawag na kuya! Hindi nya bagay!

"Sa computer laboratory! Para may time pa akong makipag-cyber sex!" ganadong sagot ni Joseph kaya binatukan ko ito. O diba? Hindi pa kami close nyan pero binabatukan ko na! Saan ka pa diba?

"Aray ko naman! Makabatok ka dyan!" sigaw nya at babatukan pa sana ako nang humarang si Teena

"WAG!!! WAG MO SYANG SAKTAN PLEASE!!! MAMAMATAY AKOO!!!" sigaw nya na parang nagmamakaawa

"OA!" sabi na lang ni Joseph at umiwas na ng tingin.

"Sa may garden na lang kaya?" suggestion nung isang babae. Shela yata pangalan? Napatingin naman kami lahat sa kanya kaya naman agad syang napayuko at sumigaw

"Wag! Wag po! Wag nyo po akong saktan! Please po! Alam ko pong mali ang sinabi ko, alam ko pong mali ang pagsingit ko sa usapan ninyo, pero please lang po, wag nyo akong saktan!" nagulat naman kami ni Joseph sa sinabi ni Shela. Sina Oliver at Janeth naman parang wala lang. Nasanay yata sa kawirdohan nya!

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon