Grace' POV
Lumipas na ang ilang linggo na naging maayos ang buhay sa Mortem. Wala nang mga insidenteng patayan. Matagal na ring namahinga ang clown at sana tuloy-tuloy na nga.
Nandito kami ngayon ni Lito sa canteen,
"Grace, alam mo iwas-iwasan mo na ang pagsuot mo ng mga fitted. Halata na ang tiyan mo eh." sabi nya at hinaplos ang tiyan ko
"Ganoon ba? Sige, hihiram na lang ako kay Allysa. Medyo maluwang sa akin yung mga damit nya eh." sagot ko na lang at hinawakan ang kamay nyang nakahawak sa tiyan ko.
"So ano nang balak mo ngayong lumalaki na yang tiyan mo? Habambuhay mo na lang bang itatago at ililihim na buntis ka? Alam mo namang kahit ayaw mo lalaki at lalaki pa rin yang tiyan mo." napaisip naman ako sa sinabi nya.
"Paano kaya kapag aminin ko na?" tanong ko sa kanya
"Ha? Paano naman? Sa paanong paraan?" tanong nya
"Alam kong abuso na ito sayo. Pero pwedeng last request ko na lang ito? Pwede bang aminin ko na sayo itong batang dinadala ko?" halata namang nagulat sya sa sinabi ko pero ningitian rin nya ako pagkatapos
"Hahaha, ano ka ba? Ayos lang no! Hindi yun abuso! Tsaka diba nga sabi ko sayo na let me be the father of your baby? Ako na nga ang tatayong ama diba? No worries. Payag ako." napangiti naman ako sa sinabi nya kaya niyakap ko sya. Sakto namang pumasok sa canteen si Kyle kasama ni Queenie. Dumiretso naman si Kyle sa table namin ni Lito. Nagkatinginan naman kami ni Lito sa ginawa nya.
"Kyle, akala ko ba nandito tayo para kumain? Tara na nga! Alam mo naman sigurong mas nauuna ang letrang K sa L sa alpabeto diba? Nangangahulugan lang na Kain muna bago Lumandi!" napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Queenie. Pero ngumiti lang ako sa kanya sabay mabagal na palakpak
"Wow! Paano mo naisip yan? Ang galing! Alam mo pala ang alpabeto? Ang akala ko kalandian lang ang alam mo? Well, hindi na ako magtataka! Pareho lang naman kayo ng magaling mong boyfriend!" sigaw ko sa kanya pero hindi yung malakas na sigaw. Baka makasama sa baby ko.
"Queenie, wag mo nang patulan." sabi kaagad ni Kyle kay Queenie dahil mukhang susugudin na ako. Thanks to him "Grace kahit ilang beses mo pa akong itaboy, kahit ilang beses mo pa akong layuan, hindi pa rin ako magsasawang lapitan ka para magbigay ng fishballs. Diba dyan ka naglilihi? Para na rin sa magiging baby natin." sabi nya at inilagay ang fishballs sa harapan ko. Mula kase nung araw na may dala akong fishballs araw-araw na nya akong binibilhan at dinadalhan nito.
"Excuse me? Is that an insult? Ako buntis? Sayo? Eh negative nga diba? Tsaka natakam lang ako sa fishballs nung araw na yun. Hindi ako naglilihi!" sigaw ko sa kanya
"Hindi pa rin ako naniniwalang negative. Basta hindi ako magsasawang magbigay sayo ng fishballs hanggang sa isilang mo ang anak natin." tinaasan ko naman sya ng kilay, yung as in taas na taas.
"Naka-drugs ka ba? O sadyang tanga ka lang? Negative na ngaaa!" sigaw ko sa kanya
"Oo, tanga nga ako. Bakit ko pa kase sinabing hindi kita mahal kung mahal pa kita? Bakit pa kase kita sinampal noon kung hindi ko naman talaga will? Bakit pa kase ako nagpakalasing? Kung alam ko sanang mangyayari sa atin yun edi sana hindi ako nagpakalaseng! Pero wag kang mag-alala, papanindigan ko pa rin yang anak natin." sabi nya tsaka naglakad na palayo kasama ng talk na ngayon ng talak na si Queenie. Tumingin naman ako ngayon kay Lito na mukhang windang pa rin sa mga nangyari.
"Tuloy ang plano Lito." sabi ko sa kanya
"Oo naman! Tuloy ang plano. At wala ako balak na itigil ang plano natin Grace. Sa totoo lang hindi naman plano para sa akin yun eh. Isa yung desisyon. Ako talaga ang magiging daddy ni baby." sabi nya at hinaplos ulit ang tiyan ko. "Baby, ako ito. Ang daddy mo." dagdag pa nya kaya medyo naiyak ako. Ano ba itong nararamdaman ko?
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...