Chris' POV
"TULONG!!! TULUNGAN NYO AKO!!! PARANG AWA NYO NAAA!!!" sigaw ng mommy ko habang pinapalibutan ng maraming tao habang pinagbabato ng malalaking bato at pinagpapalo ng matatabang kahoy
"Tama na! Tama na po! Maawa po kayo sa mommy ko! Wala po syang kasalanan!" sigaw ko naman at pumunta sa kinaroroonan ni mommy at niyakap ko sya
"Hoy bata! Umalis ka nga dyan kung ayaw mong madamay at masaktan!" -tao 1
"Kaya nga naman! Bakit mo ba kinakampihan ang halimaw na yan?" -tao 2
"Hindi halimaw ang mommy ko! Mabait syang tao!" sigaw ko naman sa kanya
"Hahaha, bata ka pa nga talaga! Hindi mo alam ang mga nagaganap sa paligid! Alam mo naman siguro na mamamatay-tao yang 'mommy' mo diba?" -tao 1
"Hindi totoo yan! Mabait ang mommy ko! Hindi nya kayang pumatay ng tao!" dagdag ko pa
"Kung ako sayo bata, umalis ka na dyan para hindi ka na mapahamak! Halika nga dito!" -tao 3, hinila nya ako paalis kay mommy. Nagpumiglas ako kaya buong lakas nya akong sinampal kaya napadapa na lang ako sa sahig. Nalasahan ko na lang ang dugo sa pumutok na bahagi ng labi ko.
"WAG NYONG SAKTAN ANG ANAK KO! AKO NA LANG ANG PATAYIN NYOOO!!!" sigaw ulit ni mommy
"Narinig nyo yun mga kabaryo? Tara, tuluyan na natin sya!" dahil sa sigaw ng isang lalaki, napatakbo ulit ako kay mommy at niyakap ito ng mahigpit
"Anak? Doon ka na. Iwanan mo na ang mommy!" nanghihina pero pinilit pa ring ngumiti ni mommy sabay haplos sa pisngi ko. Niyakap ko ulit sya
"Ikaw bata ka! Naghahanap ka talaga ng sakit sa katawan noh? Isama ang bata!!!" kasunod ng sigaw na yun ay ang sakit ng bawat batong tumatama sa katawan ko. Napapikit na lang ako dahil akala ko ay katapusan ko na rin pero may isang lalaking sumigaw
"Itigil ang kaguluhan!" bigla namang natahimik ang mamamayan nang sumigaw si mayor.
"Bakit po namin ititigil? Mayor with all due respect, ang dami na pong pinatay ng halimaw na yan na mamamayan ng baryong ito! Hihintayin pa ba nating maubos lahat ng kabaryo bago tayo umaksyon! Mayor, nawalan din po kayo ng asawa dahil sa halimaw na yan!" sigaw ng lalaking sumampal sa akin kanina
"Hindi yun ang ibig kong sabihin." nagulat na lang ako ng hilain ako ni mayor "Ang ibig kong sabihin, wag nyo namang idamay ang bata! Napakamusmos pa lang nya! Maawa naman kayo!"
"Mayor, halimaw ang ina kaya halimaw din ang anak! Malay nyo ituloy ng batang yan ang naumpisahan ng ina!" sigaw ng isa pang lalaki
"Sa bata nyang yan? Hell! Marunong ba kayong mag-isip? Ano namang alam ng batang yan? Alam nyo ba na sa pinaggagagawa nyong yan eh pwede ko kayong kasuhan lahat ng child abuse?" sabi pa ni mayor
"So anong gusto nyong gawin namin? Hayaan na lang mabuhay ang halimaw na batang yan?" tanong ng lalaki
"Exactly! Walang kasalanan ang bata! Yang nanay lang nya ang pwede nyong patayin! Ibinibigay ko na sa inyo ang basbas ko! Tapusin na yan!" nagulat ako sa sinabi ni mayor. Akala ko ililigtas na nya kami ni mommy pero hindi. Itinuloy ng mga tao ang pagpapahirap sa mommy ko. Gustong-gusto ko syang lapitan kaso ayaw akong bitawan ni mayor
"Tama na muna mga kabaryo!" sabi ng isang lalaki at humarap kay mommy
"Ano? Nahihirapan ka na ba? Ramdam mo na ba ang sakit? Pwes kulang pa yan sa mga buhay na nawala ng dahil sayo! Ngayon, ako na mismo ang tatapos sayo!" dagdag pa ng lalaki at nakita kong itinaas nya ang hawak na itak at buong lakas na itinusok sa tuktok ng ulo ni mommy
BINABASA MO ANG
Mortem's Curse: BARYO
HorrorHi there kabaryos!!! Hanap nyo ba ay all-in-one story? Yung comedy, drama, romance, horror, suspense at thriller at the same time? Pwes heto na ang hinahanap nyo! Tara na't sabay-sabay nating tuklasin at resolbahin ang misteryo sa likod ng kababalag...