Oppression

1.5K 38 7
                                    

Nauna nang pumasok sina Troy at Rowena sa gate ng subdivision, sumunod naman si Christian na buhat si Angelo. Hindi lang basta-basta na buhat, iyong buhat na nakasampay sa dalawang balikat nito (yung buhat ng isang mangangaso sa nahuling biktimang hayop. ganoon yung way ng pagbuhat nya, basta yun na yun) Ibinagsak ni Christian si Angelo sa may damuhan at pumunta sa parte nila Rowena

"Ate, anong gagawin natin sa kanya?" bulong ni Christian

"Basta! Kahit ano! Wag nyong pakainin! Wag nyong papapasukin sa bahay! Kahit ano! Pahirapan natin yan! Nakita mo naman siguro yung ginawa nya diba?" bulong rin ni Rowena. Dumiretso naman si Rowena sa iba pang mga kaklase at sinabi ang nangyari.

Sa kabilang dako, pumunta naman si Troy kina Regine, Maricar at Carlo

"Guys, alam nyo na siguro yung nangyari?" tanong ni Troy

"Oo! At alam kong hindi yun magagawa ng kaibigan namin!" sigaw ni Regine

"Yah! At hindi rin ako naniniwala na kaya nyang gumawa ng ganoong bagay!" dagdag pa ni Carlo

"Kaya nga! Alam naming magulo sya minsan, maingay, prangka! Pero sigurado ako na hindi nya kayang pumatay ng tao!" sabi pa ni Maricar

"Hayun nga eh! Ayaw ko rin sanang maniwala na magagawa nya yun! Pero kami na mismo ang nakakita! Nakita naming mismo na binaril ni Angelo si Joseph!" sabi ni Troy

"Excuse me lang huh! Kahit ganoon ugali ng kaibigan namin, hindi naman siguro kayang pumatay ng tao ni Angelo!" pagmamatigas ni Regine

"Siguro! Kaya nga Regne noh? Siguro! Walang kasiguraduhan! Hindi mo pala sigurado! Malay mo kaya nya talagang gawin yun!" sigaw ni Troy

"Hoy Mr. Vice president! Hindi porke ikaw ang vice president eh sinisigaw-sigawan mo na kami! Tandaan mo! Kaibigan namin yang sinisigawan at prini-pressure mo! Isa pa, wala kang karapatan na bastusin ni isa sa kaibigan ko kundi baka makalimutan ko ang salitang respeto!" nanggagalaiting sigaw ni Carlo

"Woah! So scared! Threaten! Don't scare me with your toothless, none sense words of wisdom! Basta nagawa ko na ang papel ko! Wag nyong iisiping nagkulang ako bilang inyo lang namang vice president! Heto lang naman ang maipapayo ko sa inyo, layuan nyo na si Angelo habang maaga pa! Baka malay nyo, nasa pinaka-kaibuturan at pinakaloob lang nya ang kanyang kulo! Kayo rin, baka magsisi kayo sa huli" paliwanag ni Troy at aalis na sana nang magsalita si Maricar

"Hindi lahat ng tahimik, nasa loob ang kulo! Sila lang kase ang taong marunong mag-isip bago muna kumibo!" Maricar

"Really? Yun na nga eh! Marunong syang mag-isip! Naisipan na rin nya sa wakas na pumatay ng tao! Haaayy!!! Whatever Maricar! How come that I'm explaining such a crazy little thing to weird persons like you guys! Waste of time!" sabi ni Troy at umalis na. Napaisip naman ang tatlo at na-realize nilang baka nga totoo ang sinabi ni Troy kaya napag-desisyonan nilang umiwas na lang muna kay Angelo

Diana's POV

Kawawa naman itong si Angelo, iniwang mag-isa sa may damuhan. Ano nga ba talaga yung nangyari kanina?

"Angelo!" pagtawag ko sa kanya as soon as nakalapit ako sa kanya

"Diana! B-bakit nandito ka?" tanong niya

"Wala lang. Gusto ko lang sanang tulungan ka! Wala kaseng gustong lumapit sayo, kanina pa. Napansin ko lang. Maski mga kaibigan mo ayaw ka nang lapitan!" napayuko naman sya sa huli kong sinabi.

"Ah, sorry! ano ba kaseng nangyari?" dagdag ko pa. Doon na nag-umpisang umiyak si Angelo

"Eh kase, n-napagbintangan akong p-pumatay kay J-joseph! Totoo ngang may hawak akong baril that t-time! T-totoo ring binaril ko sya! P-pero sa binti ko l-lang sya b-binaril! Maniwala ka sa akin! H-hindi ko talaga intensyon na p-patayin sya! Ang intensyon k-ko lang that time ay ang makatakas agad kaya sa b-binti ko l-lang sya binaril!" paliwanag ni Angelo sa akin

Mortem's Curse: BARYOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon