Chapter 3- Make over daw

6.5K 107 9
                                    

Kinabukasan, syempre may pasok kaya gumising ako ng 6:00am. Matapos maligo, magbihis at mag-ayos, kinuha ko ang bagpack ko't bumaba sa living room. Nag-ayos lang ako ng sarili: meaning nagsuklay lang ako tas pinuyod ko ang buhok ko, ung parang messy bun na mababa tas nasa side. Of course, I'm still wearing my sneakers though naka-uniform na ako na above the knee, checkered sya, red and black tas may coat na brown at white blouse. Hindi masyadong kita ang legs ko kasi naka-knee sock ako na black.

Pagkababa ko...

"Oh my look at my princess! Ba't ganan ang suot mo!!!" sabi yan ni mommy.

Tinignan ko ang sarili ko. "Bakit? Anong mali sa suot ko?" nagtataka kong tanong.

"Look at you! Ba't ka naka-sneakers? Leather shoes dapat, diba? Atsaka, ang gulo ng buhok mo! Pati ang bangs mo, nakakairita tignan!" sabi nya.

"Mommy, school lang ang pupuntahan ko."

"Kahit pa. Ano nalang ang sasabihin ng mga boys sayo? Tsk! Maganda ang princess ko, hindi ko hahayaang ganan lang ang ayos mo sa school!" sabi ni mommy.

"Mommy, male-late na ako. Babye!!" paalis na ako kaso...

Hinawakan ni mommy ang braso ko. "Nope. Halika. You need a make over."

O_O "Mommyyyy~" I whined.

"Wag ka nang umangal. Paano ka lalapitan ng mga suitors mo kung ganan ang itsura mo? Atsaka, makikita ka ni Rev ng ganan ang pagmumukha mo. Ay, di ako papayag. Halika." sabi nya habang hinihila ako.

Ano namang pakelam ko sa mga suitors ko? Atsaka, meron ba akong suitors? Wala noh! Atsaka paano napasali si Rev sa conversation? Ano namang kinalaman ng kulugong yon? AISH!

Pumasok kami sa kwarto nina mommy at pinaupo ako sa harap ng salamin. Tumayos si mommy sa likod ko at inalis ang pagkapauyod ng buhok ko. And dito na nya sinimulang murderin ang buhok at pagmumukha ko.

After some minutes...

"Now, I can see a real princess." nakangiting sabi ni mommy.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nakalugay na ang brown kong buhok tas straight na straight toh, pinalantsa kasi ni mmmy pati bangs ko. Tas may hair band ako na may nakalagay na white ribbon. Hinawakan ko ang kilay ko; inahit kasi ni mommy. T_T (see the picture on your right side)

"Wear this?" inabot sakin ni mommy ang isang leather shoes na 3 inches.

"Ayoko mommy!!"

"Dali! Nako. And use this instead of that trash." inabot naman ni mommy ang isang bag pack na luis vuitton.

"Mommy, hindi ako nagamit ng ganan." -___-

"Pwes ngayon, gagamit ka na. Chop chop! Ihahatid na kita sa school!"

Wala akong nagawa kundi hubadin ang sneakers at isuot ang leather shoes. Nilipat ko din ang mga gamit ko sa luis vuitton na bagpack.

All in all, ang hirap. Sa sapatos pa lang hell na. Sorry naman diba? Hindi ako sanay eh.

Sumakay na ako sa sasakyan tas nagdrive na si mommy.

"Hay naku anak, pagkatapos ng araw na toh, hahabulin ka na ng mga lalaki." sabi ni mommy habang nagddrive.

I roll my eyes. Tss.

Pagkarating namin sa school, I was about to unbuckle my seatbelt nang hawakan ni mommy ang wrist ko. Napatingin naman ako sa kanya.

Ngumiti si mommy. "Ingat ka."

I smiled back. "You too." tas bumaba na ako ng sasakyan at sinarhan ang pinto nito. Medyo na-a-out of balance pa ako kasi ang taas ng heels ng sapatos.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon