Chapter 60- That Night

2.8K 46 11
                                    

Bumaba kami ni Rev na magka-holding hands. Nung makita nila kami, halos lumuwa ang mga mata nila.

"WHUT IZZ THE MEANING OF THIZZZZZ?!" sabay sabay na tanong nila.

"Bakit?" tanong ni Rev.

"Bakit magka-hawak ang kamay nyo?" tanong ni Kristelle.

"Bawal ba?" tanong naman ni Rev.

"Akala ko..." sabi ni Kristelle at tumingin kay Enzo.

"Oo nga." sabi naman ni Enzo.

"Tss. Kayo talaga. Kung ano ano ang pinagsasasabi nyo. Tara nang ituloy ang katuwaan!" sabi ni Rev.

Nag-inuman kami. Dahil masaya na din ako, uminom nalang din ako. Ayoko namang maging KJ. Napansin ko lang na pinipigilan nina Enzo si Rev na uminom ng sobrang dami. Ano ba yan? Iniiwasan lang naman ng tao na maging KJ oh.

"Oy Rev, nakakailan ka nang bote, ha? Tama na. Ihatid mo na si Kylie sa kwarto nyo!" sabi ni Jared.

"Hindi pa ako lasing tol. Itong isang toh ang lasing na." sabi ni Rev at inakbayan ako.

"Ano? Hindi pa ako lasing noh!" tanggi ko kahit na ramdam kong nahihilo na ako.

"Sus! Kami pa teteknikan mo! Balik na sa kwarto nyo at matulog na kayo! Bawal uminom ng sobrang dami si Rev!" sabi ni Kristelle.

"Bakit naman? Wala naman syang sakit diba?" sabi ko.

For I don't know reason, bigla silang natahimik. Parang naging awkward tuloy yung atmosphere pagkasabi ko nun. Well, I don't care 'coz silence means YES.

"That's more like it. Kaya hayaan nyo na kami. Nakikiparty lang kami." I smiled at them tas uminom pa sa shot glass.

"Rev, ikaw na bahala jan sa girlfriend mo ah. Dalhin mo na dun. Wag ka nang magpakalasing." paalala ni Kona.

Bakit ba masyado silang mag-alala kay Rev? Wala naman syang sakit ah. Napaka-healthy nya kaya! Duuuuuuuuuuuh~

"Pikachuuuuuu~ Tara na sa kwarto. Dali." sabi nya sakin.

"Gusto mo na rin bang pumasok sa loob?" tanong ko sa kanya.

"Oo eh. Tara na dali. Matulog na tayo~" aya nya sakin.

I sighed. "Sige na nga." tumayo na kami. Muntik pa akong matumba pero nasambot nya ako.

"Hindi daw lasing. Tch." sabi nya.

Jared's POV

"Naipasok mo na ba?" tanong ko kay Rev.

"Oo."

"Tulog na?" tanong naman ni Enzo.

"Oo." 

"Buti naman nagkaayos na kayo." sabi ko.

He smiled. "Buti nga eh."

"Paano kayo nagkabalikan?" tanong ni Enzo.

"Nagkausap lang kami kanina bago bumaba at makipag-inuman sa inyo."

Kitang-kita ko kung gaano kasaya si Rev sa nangyari. Yung ngiti nya, parang hindi ko pa un nakikita simula nung nagbreak sila ni Kylie nung mga nakaraang araw.

"Ikaw kasi! Wag mo nang gawin ulit yun ah!" sabi sakin ni Enzo.

"So, sasabihin mo na ba?" tanong ko.

Napatingin sya sakin. "Hindi ko pa alam." sagot nya.

"Wag mong madaliin ang sarili mo. Kung naghahanap ka ng tamang tyempo, sige lang, hanapin mo lang. Pero wag mo nang gawin yung ginawa mo dati na humiram ka ng babae para makipag make out sayo. Hindi yun maganda." sabi ni Enzo.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon