Chapter 54-Unexpected

2.7K 37 6
                                    

Day 2 ng school fair.

Wala na ung mga booths dahil tapos na ung festival kahapon. Ang gaganapin na ngayon ay ang MVP showdown. Kaya namanhalos lahat ay excited.

Pagkarating ko sa school, nakita ko agad sina Kristelle at Kona tas nilapitan nila ako.

"Have you heard the news?" tanong sakin ni Kristelle.

"Not yet. Ano ba un?"

"May malaking surprise daw sa MVP showdown ngayon sa Basketball match." sagot ni Kona.

"Huh?"

"Yep! Wala pang nakakaalam ng surprise na un pero may good guess ako." sabi ni Kristelle.

"Ano naman un?" tanong ni Kona.

"Maglalaro siguro dito sina Keifer Ravena."

Hinampas ni Kona sa braso si Kristelle. "Magtigil ka na nga. Napaka-fangirl mo na. Kagabi pa tong si Kristelle eh." sabi ni Kona.

"Eh I've been dying to meet him! Like OMG. I am so madly in love with him!" she said, dreamily.

"What? No." sabi ko.

"At bakit naman?"

"Kasi... kasi... you know him, but he doesn't know your existence." sabi ko. Aba. Mawawala ang KrisEn shippers. Pinupush ko pa mandin na magiging straight pa si Enzo!

Nagpout si Kristelle. "Ang sakit naman nun." malungkot nyang sambit.

"The truth hurts." sabi ni Kona.

"By the way, bakit parang hindi nyo kasama si Enzo?" tanong ko.

"Kanina pa nga namin syang hinahanap eh. Alam mo, nawawala din si Rev at Jared. Nako. Ano naman kaya ang trip ng mga un?" sabi ni Kristelle.

"Alam mo, hayaan nyo na ang mga un. Baka may ginagawa lang ang mga un. Magkakabarkada naman sila eh. Time naman nating magkaroon ng time girls! Ano baaa! Hayaan nyo sila. Hahahah." sabi ko. "Tsaka, malay nyo, dahil dun sa pagsama sama ni Enzo kina Rev, maging straight na ulit sya. Diba?" dagdag ko.

"Ah oo nga noh? Naku! Ang saya saya nun!" sabi ni Kona.

"Wag ganun! Baka mawalan ako ng gay best friend! Huhuhu."

"Ayaw mo nun? Mawalan ka man ng gay best friend, magkakaroon ka naman ng boy friend. Bwahahahahaha!"

"Yuuuuuccccckkkkk. Mangilabot nga kayo! Tara na!" sabi ni Kristelle at naglakad na kami papasok sa gym.

Nang makapasok kami sa gym at makaupo sa bleachers, chineck ko agad ang phone ko kung may text sakin si Rev. Pero wala pa din.

"Bakit kaya hindi nagtetext sakin si Jared?"

Napatingin ako kay Kona, "Hindi rin sya nagtetext sayo?" tanong ko.

"Hindi eh."

"Sakin din. Hindi nagtetext si Rev." sabi ko.

"Asan na kaya ang mga yun?" tanong namin.

Hindi rin nagtagal at lumabas na ung emcee sa court.

"Magandang umaga, Mary Mount International!" bati nung emcee at nagsihiyawan kami bilang response. "Today is the second day of our school fair. And ngayon, we will show you the best of Mary Mount International's MVPs!"

Pumasok ung basketball team ng school tas nagiritan ung mga audience.

"Hindi lang yan! Dahil may kalaban pa sila! The legendary trio of all time... come on up!"

Mula sa left corner ng gym, nakita namin ang tatlong basketball players. Nagsitayuan ung ibang tao at nagsiiritan sila.

Nabigla nalang kami nang ma-realize namin kung sino ung pumasok na tatlo.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon