Chapter 67- Why, Lord?

2.3K 47 4
                                    

Isang buwan na ang lumipas simula nung nagpropose ako kay Rev. Simula noon, pinagplanuhan na ang nalalapit naming pag-iisang dibdib. Sabi nya, gusto daw nya itong maganap ngayong taon. Pinayagan na din sya ng doctor nya na mag-home medication dahil psychologically, mas nararamdaman nyang may sakit sya kapag andun sya sa hospital. 

Good thing at may binili nang bahay sina mommy para samin. Newly wed house daw yun. Pinatira na nila kami dito kahit hindi pa kami naikakasal. May nurse din na nag-aattend sa kanya dahil naghohome school pa rin ako, kailangan kong makatapos. 

Sunday ngayon at wala akong klase. Kaya naman binabantayan ko lang ngayon si Rev na nakahiga sa kanyang kama. Oo nga pala, hindi ko pa natatapos ang photo diary ko, pero malapit na itong matapos. Gusto kong mag-end ito sa kasal namin. Nalaman na rin namin ang gender ng baby namin, and it's a girl! Nakakatuwa talaga! Sabi ni Rev sayang daw at hindi lalaki pero mabuti na rin daw na babae ung anak namin. Hehe. Tuwang tuwa nga sya eh.

Nasa photo diary ko rin ung picture ng ultrasound ko. Tuwing nakikita ko un, hindi ko maiwasang hindi mapaluha sa tuwa. Hindi ko akalaing magkakaanak kami ni Rev.

"Ano yang tinitignan mo?" tanong nya sakin nang mapansin nyang tinitignan ko ung mga litrato sa photo diary.

"Ah. Wala ito." tinago ko ito. Ayokong makita nya agad. Ipapakita ko pa ito kapag naikasal na kami.

"Dali na. Patingin." he begged.

"Not now, Rev."

"Okay." he sighed. "Teka, may ibibigay nga pala ako sayo." may kinuha sya sa table na katabi ng bed nya. "Here."

Kinuha ko ang lalagyan ng gamot na may laman na madaming capsule. Tinignan ko sya nang may pagkalito.

"A Millionaire's First Love." sambit nya. Ano bang pinagsasasabi nya? Tinignan nya ako at ngumiti. "It's a Korean movie, a sad movie to be specific. Napanood ko un one time. Binigyan nung lalaki ung girlfriend nya ng message pills." he smiled weakly. "The thing is, mamamatay na ung girl dahil may sakit sya." tinignan nya ako. "Kahit naman ako ung mamamatay sa ating dalawa, gusto kong magbigay sayo nyan."

Naluha na ako habang nagsasalita sya. Hindi ko pa napapanood ang movie na iyon pero I'm sure na maganda yun. Message pills? May papel ba sa loob nito at may message?

"I'm a millionaire, you are not my first love, but my last."

Niyakap ko sya, at niyakap nya din ako. Kahit na ramdam ko na, ayoko pa ding mag let go sa kanya. Parang ang aga pa para mangyari yun. Tsaka nagpromise sya sakin na kakayanin nya hanggang sa pag-anak ko. Hindi pa pwede syang mawala. Malakas ang loob kong kaya nya ito. 3 months na ang baby namin, 6 months nalang. Kaya pa nya yan.

Hindi ko muna binasa ung nasa message pills. Nag-bonding muna kami ni Rev dito sa bahay. Kwentuhan lang tas manonood ng tv. Tapos kakausapin nya yung anak namin. Kitang kita ko kung gaano sya ka-excited na lumabas yung prinsesa namin. 

3PM, nagpahinga muna sya dahil baka sobra syang mapagod. May chemo pa sya mamaya. Dito rin yun gaganapin sa bahay namin. Habang nagbabantay ako sa pagtulog nya, tumawag si Kristelle sakin.

"Hello?"

"Kylie."

"Oh. Kristelle. Bakit ka napatawag?" tanong ko.

"Nasa labas ako ng bahay nyo. I'll wait here."

"Okay." I ended the call then hinalikan muna ang noo ni Rev bago tuluyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa gate kung saan nakatayo si Kristelle. Pinagbuksan ko sya, "Pasok ka."

Pumasok sya, "Si Rev?" tanong nya.

"Nasa kwarto namin, nagpapahinga." sagot ko.

"Pwede bang... puntahan ko sya?" hindi ko alam pero parang napansin kong nagtutubig ung mata nya.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon