Halos 3 weeks na ung nakalipas and the next 2 weeks, iaannounce na ulit ung mga dancing ladies. Diba annual un? Naku sana naman hindi na ako kasali dun. Nakakadala na ung pangyayari last year.
Today is sunday and nandito si Rev sa bahay para... wala lang. Para makita ako. Hihihi.
Naglalaro sya ngayon ng xbox tas pinapanood ko lang syang kalabanin ang sarili nya. Lol. Mukha talaga syang sira. Actually kanina pa yan naglalaro. Minsan nalang nya ako nililingon para kausapin. Hmp! Bad! Sana magbrown out nalang! Non sense. May generator nga pala kami. Tch. -_-
"Huy, hindi ka pa ba tapos jan?" tanong ko.
"Malapit na." sagot nya habang tutok na tutok sya sa paglalaro nya.
I roll my eyes then humiga ako sa sofa. Pinagmasdan ko sya habang naglalaro. Nakakapagtaka lang talaga kasi... hindi pa naman masyadong malamig pero nakajacket palagi sya.
Napansin ko din na namamayat na sya at namumutla. Ewan ko ba kung vampire ba sya o sadyang pumuputi na sya. Pero kidding aside, pansin na pansin ko ung pagbabago sa kanya.
"Rev..."
"Hmm?" busy pa rin sya sa paglalaro.
"Bakit namamayat ka ata?"
"Wait lang." sagot nya habang naglalaro.
"Sagutin mo muna ako."
"Wait, matatalo ko na talaga itong kalaban."
"Rev." I gave him a warning tone.
Binitawan nya ung control at hinayaan nyang matalo ung component. Tumayo sya sa sahig at binangon nya ako saka sya umupo at humiga ako sa kanyang lap.
"Bakit parang namamayat ka?" tanong ko sa kanya.
"Na-realize ko kasi na tumataba na talaga ako at kinailangan ko ng balanced diet." sagot nya.
"Talaga? Halos maging buto't balat ka na nagpapapayat ka pa din."
"Hoy hindi ah! May abs pa rin ako! Kahit tusukin mo pa ang tyan ko, may abs pa rin ako."
"Tsss. Bakit ka din masyadong namumutla?"
"Diba nabanggit ko sayo na anemic ako?"
"Pero... pero..."
"Wag ka nang magpero pero. Gwapo pa rin tong boyfriend mo. Wag kang mag-alala." he winked at me.
"Alam ko. Pero... nagaalala lang naman ako sa kalusugan mo eh. Malay mo... may mas malalang sakit ka."
Yumuko sya sakin, "Bakit ba masyadong nagaalala ang mahal ko?" nakangiting tanong nya sakin.
"Kasi... kasi..."
He pecked my lips, "Malusog pa ako, okay? Basta, wag mo akong iiwan, ayos na sakin yun. Okay?"
"Basta alagaan mo palagi yang sarili mo. Ayokong magkakasakit ka. Baka biglaan mo akong maiwan." I pout.
Napatigil sya at sandaling tumitig sakin. Malapit ang mukha nya sakin dahil nakayuko sya. Hindi ko alam kung bakit sya nakatitig sakin. Nakititig nalang din ako sa kanya kasi baka may titigan contest.
Sa pagtitig ko sa kanya, nabigla na lamang ako nang halikan nya ako. Yung halik nya iba eh. Alam nyo ung angkin na angkin nya ang labi ko pero hindi ito mabilis at marahas.
He pulled out the kiss. "Hindi naman kita iiwan kahit anong mangyari. Basta, ang kailangan mo lang gawin ay manatili sa tabi ko. Wag mo akong iiwan kahit anong mangyari dahil hindi ko ung gagawin sayo."
I nod. "Hindi naman kita iiwan kahit anong mangyari. Hindi ka ba nangangalay? Nakatungo ka na oh."
"Ayos lang. Basta mahalikan lang kita, wala toh." umayos sya ng upo.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Novela JuvenilNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013