Chapter 63- Painful Truth

2.2K 38 3
                                    

Hawak hawak ko ang kamay ko habang nagbbyahe kami papunta sa ospital. Sinusubukan ko ding tawagan si Rev pero as usual, wala pa rin.

Kaya naman tinawagan ko si Enzo.

"Kylie? Bat ka napatawag?"

"I'm going at the hospital." sagot ko.

"Bakit? Anong nangyari?" concern ung tono ng boses nya.

"N-Nasa... o-ospital daw si Rev." halos mangiyak-ngiyak kong sambit.

"Oh crap." he whispered. "Nalaman mo na ba?" tanong nya.

"A-ang a-alin?" naiyak kong tanong.

"Yung about sa kalagayan ni Rev?"

Kinabahan ako, "ano un?"

He sighed. "No. I'm not the right person to tell you. Better ask him yourself. Be strong. Kaya mo yan." then he hung up.

May possiblity bang totoong may cancer si Rev? Hindi ko mapigilang hindi lumuha. Ang sakit isipin na baka totoo un. Pero sa nakikita ko naman kay Rev dati, malusog sya at masayahin. Yun nga lang, namamayat sya nung mga panahong un. Hindi. Hindi ko dapat isipin na totoo ung sakit nya. Kailangan pa nyang mabuhay ng matagal para sakin... para sa magiging anak namin.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng ospital. Bumaba ako at tinignan ang matayog na building na may nakapaskil na 'St. Luke's Medical Center'. Kinabahan ako, parang ayoko nang pumasok pero kailangan. 

Pagkapasok ko, dumeretso ako sa nurse's station upang magtanong.

"Good evening. Where is Rev Valdez' room?" tanong ko sa nurse.

"Ah. Saglit lang po." kumuha sya ng book na sa pagkakaalam ko'y listahan ng mga pasyente. "Ah, Rev Valdez po? Ung pong cancer patient?" tanong nya sakin.

Natigilan ako. "H-hindi. Rev Victor Valdez ung name nya. September 13 ung birthday nya and he's 20 years old. H-Hindi yang Rev Valdez na yan ang may cancer ang hinahanap ko." sabi ko.

"Eh maam, sya lang po ang nag-iisang Rev na pasyente po namin dito. Ang pangalan po ba ng ama nung Rev na hinahanap nyo ay Joe Valdez?" 

"O-opo." 

"Sya po talaga yun, maam. Nasa 3rd floor po ung room nya, room 345 po." sagot nya.

I took a step back, "O-okay. T-Thanks." tumalikod na ako. 

Tama ba ito? Sarili ko nga, sinasabi kong wala syang kahit anong sakit pero bakit sila sinasabing may sakit sya? Dahan dahan akong naglakad papunta sa elevator. Tinitigan ko pa ito bago ako sumakay. Tutuloy pa ba ako?

TING! Bumukas ang elevator na walang ka-tao tao. Tinignan ko ito. Natatakot ako. Natatakot ako na malaman ang katotohanan. With all my might, naihakbang ko ang aking paa papasok sa elevator. Kailangan kong ihanda ang sarili ko.

"KYLIE!" napatingin ako sa tumawag sakin at nakita si Enzo.

Magsasarado na ang pintuan ng elevator ngunit dahil mabilis syang nakatakbo, nakaabot sya at pinigilan ang elevator, "Pupunta ka ba?" tanong nya.

"Kailangan... kailangan kong puntahan sya." sabi ko saka tumingin sa kanya.

He sighed, "Well, I will not let you do this alone." pumasok sya sa elevator at pinindot ang number 3.

Tahimik lang kami sa loob ng elevator. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko. Parang nawawala na ako sa sarili ko. Alam kong bawal akong ma-stress dahil baka mawala ko ang baby ko. Pero hindi ko mapigilan. 

TING! Bumukas ang elevator. Andito na kami sa 3rd floor. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang tatalon na ito palabas sa puso ko. Pero kailangan kong maging matatag. Kailangan ko itong harapin. Gusto kong malaman ang katotohanan.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon