A/N: sorry po ngayon lang nakapag-update. Ngayon lang naging available eh. Dedicated kay Krystal Jung este kay Princess. Yahahahaha.
December 20. Last day of school before Christmas break. Completing of requirements nalang.
“Ugggggggggh.” Napaupo na ako sa isa sa mga tables sa may waiting area at umub-ob.
“Girl, ayos ka lang ba talaga?” nag-aalalang tanong ni Enzo sakin. Tumabi sya sakin at pinat ang likod ko.
Umiling na lang ako as an answer. Ayoko nang magsalita nang magsalita. Ang sakit talaga eh.
“Sure kang ayaw mong magpadala sa clinic?” tanong pa rin ni Enzo.
I nod habang naka-ub-ob ako.
“Hui, ayos ka lang ba talaga?”
Bumangon ako, “sinabi nang oo eh! ano ba?!” naiirita kong tanong kay Enzo. Nakakairita eh! kakulit!
“Oh, easy lang! toh naman minsan lang ako maging concern! Bakit ba kasi pumasok ka pa eh alam mo namang meron ka pala?” tanong nya.
“Hindi naman kasi toh masakit nung makarating ako dito eh. ngayon lang talaga.” Reklamo ko na parang paiyak na. ito na nga talaga siguro ang pinaka-ayaw na araw ng isang babae. Ang red days. Ugh.
“May klase ka pa ba?” tanong nya.
“Oo.” Malas naman eh.
“Eh di magpa-excuse ka muna.” Suhestyon nya.
“Di pwede. Importante ang subject na un.” Sabi ko. Ang sakit talaga.
“Grabe naman.”
Siguro ung last subject na pupuntahan ko mamaya ay ang last subject ko na ngayong araw na toh. Ano bang oras na? Ah, 1:32pm na pala. Makakauwi ako ng mga 4pm. Keke.
“Oi Rev, kaw muna ang bahala kay Kylie ah. May klase pa ako eh. sige, una na ako.” Tumayo na si Enzo at napatingin naman ako kay Rev na umupo sa tabi ko.
“Ayos ka lang?” tanong nya.
“As you can see, hindi.” Inirapan ko sya.
“Oh, ano namang problema mo?” tanong nya.
“Wala.” Naiirita kong tanong. Bakit ba ang bilis kong mairita pag meron? Tsk.
Napatingin sya sa kamay ko na nasa may puson ko, “May suot ka namang napkin diba?” tanong nya.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013