Chapter 44- Proper Closure

3.5K 51 9
                                        

 Kinabukasan, pumasok ako sa school. Ung letter na natanggap ko kahapon mula dun kay “Jack Frost aka CUSHING MATSING ESTE MACHINE” ay nabasa ko na. letter of invitation pala un gawa nang may gagawing event sa school nila na Swimming competition. Don’t get me wrong, I don’t swim. Takot akong lumangoy. Si Rev ung lalaban dun. Ung invitation na un ay pang-press pass, ung mga para sa school editor, photo journalists, news writer. I am a news writer of this school since nung summer pa. isa rin tong factor kung bakit mabilis akong naka-move on dahil busy talaga ako the whole summer. Bukod sa summer school, aattend pa ako ng seminar for news writing kaya ayun.

Actually, Rev and I had a deal: sasali ako sa news paper as news editor then kapag nagawa ko un, sasali sya sa swimming club. Uhm, the truth is, si Rev ung gumawa nung deal na un. Matutulungan daw kasi ako nun sa process of moving on. Well, hindi naman ata un fair kung ako lang ung busy habang sya, relax na relax. Kaya during din nung summer, he had swimming training kaya sunog sya ngayon. Hahahaha.

So, back to the letter. Ung swimming competition na gaganapin sa school ni cussing matsing ay dadaluhan ng iba’t ibang exclusive schools, syempre kasali na kami dun. Tas ung bawat school na kasali ay dapat may kasamang press or school news paper staffers para icover ung pangyayari. Hindi lang basta bastang coverage ung gagawin namin dun. Dahil kung may swimming competition, may journalists competition din kaya ayun. By the way, bukas na nga pala ung event na un.

Sa paglalakad ko sa hallway, makakasalubong ko si Jared. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ngayon ko palang sya ulit nakita after three months, ngayon palang din nya ako makikita. Madaming nagbago sa kanya. Kung dati, madalas ko syang nakikitang nakangiti habang naglalakad sa hallway, ngayon hindi na. kung dati, binabati nya ung mga fangirls nya, ngayon hindi na. kung dati, ang dami nya laging friends na kasama, ngayon hindi na. kung dati, ako ung lagi nyang kasama, ngayon hindi na dahil may kasama na sya ngayon.

Parang nag-so-slow mo ung paligid habang nagkakasalubong kami. Diretso akong nakatingin sa dinadaanan ko, ganun din naman sila ni Kona. Siguro tama na rin toh. Tama na ung nagpapanggap kaming di magkakakilala.

Napatigil ako sa paglalakad ko dahil may tumigil na lalaki sa harap ko, pagkatingin ko, si Rev pala. Why did I suddenly feel exhausted bout what just happened?

“Ayos ka lang?” tanong ni Rev.

I fake a smile, “Oo.”

“Lalo kang napangit kapag pinepeke mo ang ngiti mo. Pangit ka na nga, papapangitin mo pa ang sarili mo.”

“Napaka-straight mo talaga. Kakabwisit.” I rolled my eyes.

“I’m just being honest. Tell me, sinong tao ang maganda sa pekeng ngiti?” hindi ako sumagot at naipakita sa aking mukha ang nais nitong iparating. “Alam kong nakita mo sya. Ok lang namang hindi ngumiti, ok lang ding umiyak. Andito naman ito oh,” tinuro nya ung balikat nya. “You can lean on me to cry.”

“Tss! Ba’t ako iiyak? Drama mo! Tara na sunog!” naglakad na ako.

“Anong?! Anong sabi mo?!”

Tumakbo na ako, “SUNOG! WAHAHAHAHAHAHA!”

“HOY! BUMALIK KA DITO!” hinabol nya ako.

---

“Girl, ano ung letter sayo ng school ni Jack?” tanong ni Enzo as he sits down on his chair.

“Wala, para lang un sa swimming competition bukas sa school nila. Kasama kaming school news paper staffers.” Sagot ko habang may sinusulat sa notebook ko.

“Wow. Kelan ka pa naging staff ng news paper?” nabiglang tanong ni Kristelle.

“Uhh… nung summer class? Nag-training kami nun and seminars.” Sagot ko.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon