Chapter 50- Kasama Kang Tumanda

3K 52 20
                                    

A month later

Wooooh. Nagiging malamig na ang simoy ng hangin ah. September na kasi kaya unti-unti ko nang nararamdaman ang spirit of Christmas.

Naging masaya naman ako sa pagsisimula ng September. Wala na akong kaalitan o kasamaan ng loob, ganun din si Rev. Tas buo na ulit ang tropa! Napakasaya naman talaga! Mukhang matatapos ang taon na masaya kaming lahat.

Parang kung iisipin, nasa ending na ang storyang ito. Nagka-ayos na ang lahat, buo na ulit ang tropa. Masaya na ulit ang lahat. Kung iisipin pa, may dapat pa bang mangyari after nito?

Ah oo nga pala...

Sasagutin ko pa si Rev. Masaya sana kung doon nalang matatapos ang lahat. Gusto ko ganun na para lahat happy.

September 18 nga pala ngayon. And dun ko na-confirm na may pupuntahan pala kami ng family ko ngayon.

"Here anak." inabot sakin ni mommy ang isang invitation.

"Art exhibit?" tanong ko pagkakita ko sa imbitasyon na iniabot sakin ni mommy.

"Yep! Actually, I have been waiting for this exhibition to happen. Magaling na artist kasi ung mag-eexhibit eh. You won't get bored, I guarantee you." sabi sakin ni mommy.

"Ehh." Nabanggit ko na naman kay Rev na ayaw kong pumunta sa mga art exhibit diba? Ang boring kaya dun. Pero napaka-irony ng buhay. Kung ano ung ayaw ko, un ung nangyayari. Life is unfair.

"You must go, princess." sabi ni daddy.

Napatingin ako kay Daddy, "I must go?" tanong ko.

"Yes. You must go." nakangiting sagot ni daddy.

Ano naman kayang meron sa art exhibit na toh? Ano ako, guest of honor? Duuuuh. Kakaboring talaga.

"Go and dress yourself now. Wear something nice okay?" sabi ni mommy habang mahina nya akong tinutulak papunta sa hagdanan.

"Okay...?" then nagpatuloy na ako sa taas upang magbihis.

Pagkarating ko sa kwarto ko, nagdedesisyon pa din ako kung pupunta pa ba talaga ako. Bakit naman kailangan kong pumunta dun?

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip, nagring ang phone ko, pagkatingin ko, tumatawag pala si Rev. Kaya sinagot ko ito...

"Hello?"

"Hey, na-receive mo ba ung invitation?" tanong nya.

"Ikaw ang nagpadala nung invitation para sa art exhibit?" tanong ko.

"Yep. Meron din ako para magkasama tayo." sagot nya.

"Eh diba alam mo naman na... ayokong pumupunta sa mga art exhibit?" sabi ko.

"Oo alam ko. Eh kasama mo naman ako eh. Wag kang mag-alala."

"Ok sige. Magbibihis na ako. Susunduin mo ba ako?" tanong ko.

"Hindi kita masusundo eh."

"Ahh. Ok then. Kay daddy nalang ako magpapahatid."

"Ok. Bye."

Rev's POV

Nung binaba ko na ung phone ko, nagpatuloy na ako sa pagaasikaso para mamaya. Dapat maging maayos ang lahat.

Ang totoo nyan, may surprise ako sa kanya ngayon. Ngayon ko na kasi itatanong kung... alam nyo na. Kung pwede na.

Now, bakit nga ba sa art exhibit ko napili syang sorpresahin? I'll make it memorable to her. Yung kapag napaparinggan nya ung salitang art exhibit hindi boring ung unang papasok sa utak nya kundi ung moment na magagawa namin ngayon. I'm gonna make her like the art exhibit.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon