Kagabi, pagkauwi ko, I swore to myself na kagabi na hindi na ako magpapatalo kaya eto ako ngayon, naglalakad sa hallway sa gitna ng mapanghusgang tingin sakin ng mga estidyante.
Kahit na ginaganto nila ako dito, hindi ako magpapatalo dahil walang katotohanan ang sinasabi nila. Pero syempre, ibang usapan na kapag namisikal sila sakin.
Pagkarating ko sa room, umupo na ako sa seat ko. Si Rev, nakaupo lang din pero di ko sya pinapansin. Imbyerna sya. Di rin naman nya ako pinapansin. Siguro tama nga. Guilty sya. Leche talaga sya.
Dumating si Jared tas tumabi sakin.
"Kamusta ka na?" concern nyang tanong.
"Ayos na ako."
He nods. "Good to hear."
Dumating ung teacher at nagsimula na ang klase. Buti nalang hindi ako ginagalaw ni Rev ngayon. Subukan lang nya... lagot sya.
Natapos ung klase at recess na. Mag-isa akong naglalakad papunta sa canteen at alam kong, ako ang laman ng kanilang bulungan.
"Hey." sumulpot si Jared sa tabi ko tas laking gulat ko kasi inakbayan nya ako.
"H-Hey." awkward kong bakit. "U-uhm... Jared..."
"Yes?" tumingin sya sakin.
"Uhm... your hands." tinuro ko ung kamay nya sa balikat ko. Aba, nakakailang kaya. Di ako sanay.
Inalis nya ung kamay nya. "Oh. Sorry."
I smiled, tas nagpatuloy kami sa paglalakad. Nagtataka lang ako kung bakit kasunod ko parin si Jared.
"Jared..." tumingin sya sakin. "Ano... uhm, saan ka ba pupunta?" tanong ko.
"Kahit saan. Saan ka ba pupunta ngayon?"
"Sa canteen." sagot ko.
"Ok. Sama nalang ako sayo."
Pagkarating namin sa canteen, bumili kami ng pagkain tas naglakad kami pabalik sa room habang nakain ako ng siomai.
"Kylie..."
"Hmmm?"
"Pwede magtanong?"
"Di ka pa ba nagtatanong?" tanong ko. Leche. Nahahawa na ata ako kay Rev. ACHECHECHE! Bwisit sya!
Napatawa sya nang konti. "Oo nga noh. Nagtatanong na pala ako." he sighed. "Favorite mo ang siomai?"
I smirk. "Di naman."
"Eh ano ang gusto mo?"
"Uhm... siopao. Ung manok ung laman. Hmm, sarap nun! Ano ba yan. Natatakam ako!" sabi ko.
Napatawa sya. "Bakit di ka friendly?"
"Ewan ko. Nature ko na ata yon."
"Pero... may friends ka dati? tanong nya. Nang-iintriga ba sya?
"Oo. Dati."
He nods. Natahimik kami habang naglalakad. Siguro wala na syang maisip na ioopen na topic. Ganun din naman ako ngayon eh. Haha.
"May itatanong ulit ako Kylie..."
Natapos ko ang pagkain ko tas tinapon ito sa basurahang nadaanan namin. "Ano yun?"
"Anong gusto mo sa lalaki?"
"Gusto? Sa lalaki?" he nods. "Uhmmm..." nag-isip ako. Pwede bang sya nalang? Chos. Haha. "Uhm... mabait."
"Mabait, ano pa?"
"Gentleman."
"Ano pa?"
"Uhm... ewan ko. Puro fictional ung naiisip ko. Haha."
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013