Chapter 32- Fallen Stars

4K 49 4
                                    

(Day 1)

 Anong oras na ba ngayon? Oh, 4:00am na pala. Ayos na ang gamit ko at nakalagay na ang lahat sa maleta ko. Bale, isang maleta ang dala ko with two hand carries. It's December 27 and we're all settled para sa getaway naming barkada. My phone rings...

"Hello?"

"Ky, are you ready?"-Jared

"Uhm, yeah. Nag-aayos nalang ako ng sarili ko."

"Okay. Pupunta nalang kami jan."-Jared

"Sure. I'll be waiting. Bye."

"Bye."

Nilagay ko na ang cellphone sa hand carry ko at bumaba sa living room, bahala na ang mga katulong naming magbaba ng maleta ko. Wahaha, ang mean. Hindi ko naman kasi kaya ung mag-isa noh. Tsaka nakakawala ng poise.

Umupo ako sa sofa upang hintayin sila. Maya maya lang din, may bumusina na sa labas ng bahay at nang tignan ko ito, isang van ang nakatigil sa may harap ng bahay namin at lumabas mula doon si Jared. lumabas ako at pumunta sa may gate at binuksan ito. He kissed my forehead then inakbayan ako.

"Let's come and get your things." Sabi nya.

"Okay." Then naglakad kami papasok sa bahay.

"Hey Jared." bati ni mommy kay Jared.

"Jared." bati din ni daddy.

"Tito, tita. Susunduin ko na po si Kylie." Magalang nyang sabi.

"Sure sure." Sabi ni mommy.

Lumapit si Jared para kunin ung mga maleta ko at tinulungan naman sya ni daddy hanggang sa maipasok ito sa likod ng van. Bago kami pumasok sa van, I kissed my mom and dad and nagbilin pa sila na mag-ingat ako dun at na maging good girl daw ako. Grabe, 1 month ba ako dun? It's just 5 days you know. Hhahaha.

Pagkapasok namin sa van, napansin kong ang tahimik ng mga kasama namin... at dun ko lang na-realize na tulog sila. Si Enzo naka-unan pa at nakasandal sa upuan. Si Kristelle naman, nasa may balikat ni Enzo na nakakumot. Tas si Rev naman, nasa may bintana, nakasalpak ang headset at nakahood. Ano ba itong mga ito. Aren't they excited? Mga couch potato!

"HOY! GISING!" sigaw ko and as if on cue, nagising silang lahat.

"Ano ba yan..." reklamo ni Kristelle.

"Kelangang sumigaw?" sabi ni Enzo habang kinukusot ang mata nya.

Si Rev naman, napaayos lang ng upo at inalis ung pagkasalpak ng headset at inalis ung hood ng jacket nya.

"Seriously guys, hindi ba kayo excited? Mga tulogers kayo." Sabi ko.

"Kakaantok kaya." Sabi ni Kristelle.

"Tss." Nagstart na ung engine then umandar na papuntang airport.

Magkatabi syempre kami ni Jared. ung tatlo naman, tuluyan nang nagising. Maingay na kasi si Kristelle at Enzo. Si Rev naman, hindi ko napaparinggan ang boses pero alam kong gising sya.

After some minutes, narating narin namin ang NAIA Terminal 3. Tinatanggal na namin ang mga gamit namin sa likod ng van. Maya-maya lang din, natanggal na namin lahat at pumasok na sa airport. Excited na excited syempre kaming lahat noh.

Nakalampas na kami sa boarding at andito na kami sa waiting area. Flight 1213 ang flight number namin. Magkakatabi kaming lima. Magkakatabi si Enzo at Kristelle tapos magkatabi kami nina Jared tas sa right ko si Rev na naglalaro ng PSP nya. Kanina pa syang busy sa PSP nya kaya kinausapko sya.

"Psst, excited ka naman?" tanong ko sa kanya.

Napatingin sya sakin, "Sakto lang." tas naglaro na ulit sya.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon