Chapter 51-My Life Without You

2.9K 50 9
                                    

Kylie's POV

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin, sina mommy, daddy, tito Joe, Enzo, Kristelle, Kona, Jared, Mary and Chezka. Napatawa ako ng kaunti. Parang nagpropose sakin ng kasal si Rev. Nakipalakpak na din ung ibang tao na participants sa sorpresang ito.

Napatingin ako kay Rev, nakita ko syang bahagyang lumuluha.

Pinahid ko ang mga luha na bumababa mula sa kanya pisngi saka ko sya binigyan ng ngiti.

"I know you're happy. Ano pa kaya ako diba? Sobrang effort netong ginawa mo to the point na... parang wedding proposal ung ginawa mo." I said.

"Sobrang saya ko lang kasi... akin ka na. Sobrang saya ko lang." sabi nya.

"Ako din. Sobrang saya." hinawakan ko ung mukha nya.

"Mula ngayon," hinawakan nya ung kamay ko na nakahawak pa sa kanyang mukha. "Ikaw na ang huli kong mamahalin. Hindi man natin first kiss ang isa't isa o kahit sa hug o kahit saan man, pinapangako ko na ikaw na ang panghuli sa buhay ko. Wala nang susunod." sabi nya.

"Ako din. Mahal na mahal kita Rev. Kung paano kita pinahalagahan nung magbestfriend pa tayo, mas higit na un ngayon. Basta... basta akin ka lang ah. Wag kang titingin sa iba!"

"Kahit maghubad sila sa harap ko, sayo lang ang atensyon ko." hinalikan nya ang noo ko.

Nagpalitan kami ng ngiti. Sobrang saya naming dalawa. Walang tatalo sa sayang nararamdaman ko ngayon. Ayoko nang pakawalan ang nararamdaman kong ito.

"Ngayong kayo na, tarang magcelebrate!" sigaw ni Enzo.

Lahat kami ay dumeretso sa bar section. Nakalagay din pala toh sa museum. Haha. Andito ung mga kaklase namin. Lahat pala sila inimbitahan ni Rev. Tas laking gulat ko nang malaman kong andito ung ibang relatives ni Rev. Seriously? Inengage ba kami? Hahaha.

Pero magandang bagay narin pala ung andito ung relatives nya. Napakilala na nya ako sa mga relatives nya. Approve ako sa kanilaaaaaa!

Nakaupo ngayon ang barkada namin sa isang half circle na upuan tas may round table sa gitna. Eh di syempre, inuman to thw max ulit tong mga kasama ko. Maliban kay Rev.

"Bakit hindi ka nainom?" tanong ko.

"Gusto mo bang nainom ako ng alak?" tanong nya.

"Pwede bang sagutin mo ng sagot ang tanong ko?"

"Hindi pwede. Gusto mo sigurong nakikita akong nainom ng alak. Haaay. Iba ka talaga. Ung ibang babae, pinipigilan ung boyfriend nila na uminom pero ikaw, you are persuading me." pamimintang nya.

"Hoy! Hindi kita pinupersuade! Nagtatanong lang ako noh!"

"Hoy kayong dalawa napakasweet nyo, ano?" sarcastic na sambit ni Enzo.

"True dat! Napakasweet! Ilang oras palang nagiging mag-on, nagsisigawan na agad." sabi naman ni Kristelle.

"Bakit naman kayo nagsisigawan?" tanong ni Kona.

"Eh kasi sya! Sinasabi nyang pinerpersuade ko daw sya na uminom. Tas kinumpara pa ako sa ibang babae!" sabi ko.

"Haha! Totoo naman ah! Hindi na nga ako nainom tas tinatanong mo kung bakit hindi ako nainom. Parang pinapainom mo ako." sabi ni Rev habang may mapanloko syang ngiti.

"Hoy! Hindi kita sinabihang, 'Rev, uminom ka na oh.' Nagtatanong lang ako eh." nagpout ako sa kanya.

"Haaaaay. Napaka-childish." parinig kong bulong ni Kristelle tas uminom sya.

"Oo nga naman Rev. Bakit hindi ka nainom? Wala ka sa mood?" tanong naman ni Enzo.

"Masama kasi yan sa kalusugan. Kayo, kebata bata nyo palang sinisira nyo na ang katawan nyo. Maaga kayong mamamatay. Sige kayo." sabi ni Rev.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon