Okay, isang linggo na ang lumipas matapos ung concert. Nagtataka siguro kayo kung may sem break kami. Hellooooooo. Masyadong madaming skip ang klase ngayong taon dahil sa bagyo kaya wala kaming sem break. Second sem na pala pati namin sa November. Kaya naman ngayong college, di ko alam kung dapat pa akong sumaya kapag nawawalan ng klase kapag may bagyo. Kami ang lugi eh.
Alam nyo bang sobrang epic nung mga nakaraang araw? Well, di ba nga pakana nila Blaire ung pag-iwan sakin. Leche ang mga un. Kinonfront ko sila nung isang araw. Ito namang si Rev, hinayaan lang ako.
Flashback...
"Hahayaan mo akong makipag-usap sa mga un?" tanong ko kay Rev habang sya'y may kung anong kinukutingting sa cellphone nya. Andito kami ngayon sa waiting area. Wala kasing ibang matambayan ngayon. Tsaka fresh ang air dito.
"Oo." diretso nyang sagot.
"Bakit?! Paano kung pagtulungan nila ulit ako?! Tatlo sila, isa lang ako!"
"Kelangan mong matuto. Di porket bully ang best friend mo, kelangang akona lang palagi ang magtanggol sayo. Kelangan mo ring lumaban."
"The thing is, tatlo sila. Isa lang ako." I pout.
"Tataob ang maraming tao kung matapang ka sa puso. And kahit sumama ako sayo, that would not change the fact na TATLO nga sila at DALWA tayo. Ay pucha! Nalaglag!" ay, talagang may reaksyon habang naglalaro ng Poe?
"Kahit na. At least, malalaman nilang dapat na nila akong tigilan kapag andun ka. Katulad nung nangyari sa CR. Natakot sila sayo at pansamantalang lumayo sakin. Pero simula nun, hindi na nila ako ginagalaw or kung ano pa... except na nga lang ung nangyari just a week ago... pero anjan ka eh."
Tinignan nya ako. "Paano kung wala ako?" napatigil ako sa kanyang tono ng pananalita. "Paano kung wala ako nung panahong naapi ka nila sa CR? Paano kung walang salamin dun sa CR ng mga babae para dumaan dun? Ano, hahayaan mo na lang sila? Habang buhay ka na lang magpapakawawa sa kanila?"
Napaisip din naman ako nang todo sa sinabi nya at napaiwas ako ng tingin sa kanya. Oo nga noh? Paano nga kung wala sya dun? Paano kung wala sya dun para sagipin ako? Siguro gutay gutay ako pagkalabas ko ng CR nun.
"Hindi all the time nasa tabi mo ako. Hindi all the time magiging to the rescue ako sayo. Paano na lang kung nung panahong iniwan ka ni Blaire sa ere during nung concert, sumakit ang tyan ko't nagka-LBM? Paano na lang kung nung panahong pinagtutulungan ka nila sa CR, nadulas ako't hindi makalakad? Kylie, gusto ko, maging matapang ka. Hindi para takutin ang mga tao kundi para sayo. Paano na lang kung bigla akong mawala sa buhay mo? Paano kung kinuha na ako ng aliens at dinala sa Pluto dahil sa sobrang kagwapuhan ko?"
Napatingin ako ng masama sa kanya. Ang seryo-seryoso ng usapan biglang sisingit ang pagmamayabang nya? Seriously.
"Basta, be strong and courageous. Kaya mo ang tatlong yan. Atsaka, anu bang kinalaman ko sa away nyo? Away babae yan. Tsk. PInagmumukha mo pa akong bading." sumandal na ulit sya't naglaro.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013