A/N: Wait lang!!! Matanong ko lang. Hehe. Nagbabasa ba kayo ng author's note ko sa huli??? Wala lang, natanong ko lang. Parang kasing hindi. XDD Basahin nyoooo!!! May mga importanteng bagay akong sinasabi dun. WAHAHAHA. XDD
___________________________________
"Dalwa nga po sa tinapay." sabi ni Rev tas humarap sakin, "20 pesos." nakalahad ang palad nya para sa pera.
"Huh?" bangag kong tanong.
"Haaay!" kinuha nya sa bag ko ang wallet ko saka nya ito binayad. Kinuha nya ang ice cream na nasa tinapay tas binigay nya sakin ung isa. "Oh." nakatingin lang ako sa kanya. "Tanggapin mo na."
Naglakad ako nang hindi sya pinapansin. Parinig ko namang sinusundan nya ako ni Rev.
"Pssst. Oy. Sayang ang ice mo oh."
Nasa tabi ko sya habang naglalakad. Hindi ko pa din sya pinapansin.
Nang mapagod ako sa paglalakad, umupo ako sa bench, umupo din sya sa tabi ko.
"Oy, nakain ko na un akin. Sige ka, matutunaw toh."
Hindi ko sya pinapansin.
"Uy, kainin mo na kasi. Sige ka, kakainin ko toh."
Wala akong pake. Edi kainin mo. -____-
"Okay. Silence mean yes."
Kinain nya ung ice cream. Haaaay. Wala akong pakelam ngayon. Bad trip ako. :/
Matapos kainin ni Rev ang ice cream, umusod sya sa kabilang dulo ng bench. Haaay. Tumahimik din sa wakas.
Nagring ang phone ko. Pagkatingin ko sa caller, number lang. Sinagot ko ito...
"Hello?"
"Smile naaaaa. Iiiiiiiiih. S-smile na yaaaaan!!!"
Tinignan ko ang cellphone saka tumingin kay Rev. Nakaharang ung cap nya sa mukha nya. Nababaliw na ba sya?!
"Ba't ba ang kulit mo?" sabi ko through phone.
"Yan. Kinausap mo din ako. Hindi mo kasi ako iniimikan the whole time eh."
"So? Drop this. This is non sense."
"Wait!! Nag-eenjoy ako eh!" humagikhik sya sa phone.
Napatingin ako sa kanya. LUL. Para syang baliw. "Rev naman eh. Wala talaga ako sa mood. :("
"Dali na kasi. Ipupunta kita sa mood. Saan ba un?" humagikhik ulit sya.
"Rev." I whine. Nakakairita na.
Tumayo ako at naglakad, hindi ko pa din binababa ung phone. Ramdam kong nasa likod ko sya.
"Wag ka nang ma-bad trip. Wala ka nang pang-ice cream." sabi ni Rev.
"Rev, may tatanong ako sayo."
"Ano?"
I sigh. "Mahal pa ba ni Jared si Patricia?"
"Yan ba ang dahilan kung bakit ka bad trip?"
"Hindi. Curious lang." siguro para na kaming sira dito na nagtatawagan pa gayong pwede naman kaming mag-usap ng harap harapan. To think na, nasa likod ko lang at iilang steps lang ang pagitan nya mula sa likod ko.
"Hindi ko lang alam. Wala naman akong pake sa kanila eh." sagot nya.
"Nako. Wala ka talagang kwentang kausap."
"Ano namang gagawin ko kapag nalaman ko un? Walang kwenta lang." sabi ni Rev.
"Nakakapagtaka ka talaga. Hindi ka pa ba nai-in love or sadyang bitter ka lang?"
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013