Chapter 36
“P*tang ina mo Rev!” sinuntok ako ni Jared sa kanan kong pisngi at ako naman ay napaupo sa lupa sa lakas ng suntok na iyon. Pagkahipo ko sa aking labi ay may dugo na akong naramdaman.
“Walang ya ka.” Lumapit pa sakin sya at kwinelyohan ako at hinila ako pataas, “Anong akala mo? Hindi ko nakita ang nangyari? Gago ka!” tas sinuntok nya ulit ako.
“Jared, hayaan mo muna akong magpaliwanag.”
“Anong ipapaliwanag mo? Na ginawa mo un dahil naglaro kayo? Dahil sa napagtripan nyo? Dahil mag best friend kayo? Ganon?! Ay potanginang bespren bespren na yan!” tas sinuntok nya ulit ako.
“Anong nangyayari dito?!” nagsilabasan sina Enzo, Kristelle at manang Felly tas nilapitan ni Enzo si Jared at hinawakan sa braso at nilayo sakin. Inalalayan naman ako ni Kristelle at pumagitna samin si manang Felly.
“Ano bang kaguluhan ito?!” tanong ni manang Felly samin ngunit walang sumasagot, “Rev, anong nangyayari dito?” tanong sakin ni manang Felly.
Anong isasagot ko? Na nag-make out kami ni Kylie out of drugs at nakita kami ni Jared at nauwi sa suntukan? Huta, hindi ko na alam.
“Bakit ayaw mong sabihin ang kagaguhan mong hayop ka? Ha? Ano, matapos mong halikan ang girlfriend ko magiging ganan ka?! Ano, sabihin mo na! nahiya ka pa. parang hindi ka naman nahiyang halikan ang girlfriend ko!” susugod sana ulit si Jared pero pinigilan sya ni Enzo.
“Awat na awat na! ano, ganan ang pagsalubong nyo sa bagong taon? Pumasok na tayo sa loob. Teka, asan si Kylie?”
“Kylie!” Kristelle gasps then tumakbo sya palapit kay Kylie na nakahandusay sa lupa. “Anong nangyari sa kanya?”
“She’d been on drugs and I don’t know how, why and when.” Sagot ko.
“Osya osya, dalhin nyo na muna sa loob si Kylie, hilamusan nyo na’t mahimasmasan. Tara na.” sabi ni manang Felly at pumasok naman kami sa bahay.
---
Enzo’s POV
Tahimik kaming nakaupo sa sala set. Ang magkatabi ay si Jared, Kylie at Kristelle at katabi ko naman si Rev. Nasa harap namin sila ngayon at tanging ang center table lamang ang pagitan samin. Nakadantay ang ulo ni Kylie sa balikat ni Jared. Medyo nahimasmasan na siguro si Kylie pero nakapikit ang mata nya.
Pero wait lang, totoo ba un? Hinalikan ni Rev si Kylie? What… the… hell… big trouble ito. Seriously Rev, alam mo ba yang ginawa mo? Napakalaking gulo nang ginawa mo. Bahagya na nga kayo magkaayos ni Jared… tsk!
Maya-maya lang din, dumating na si Manang Felly at umupo dun sa isa pang upuan.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013