Tumawag ako kina mommy na dito muna ako tutulog sa hospital at wag na silang mag-alala. Kahit na may pasok ako bukas, sabi ko naman ay okay lang na ma-late ako.
"Sure ka bang pinayagan ka nila?" tanong ni Rev.
"Oo naman." umupo ako sa tabi hinihigaan nya. "Rev, may itatanong ako sayo."
"Osige. Ano un?"
"Nung bang may nangyari satin... may
protection ka?" tanong ko.
"Oo. Kaso... hindi lang ako ganung kasigurado kung hindi un pumalya." napatingin sya sakin, "Bakit? Buntis ka ba?"
Kita ko sa mga mata nya ung pagkakaba nya. Ano kayang magiging reaction nya kapag nalaman nyang magiging ama na sya?
Napayuko ako, "O-oo."
"T-totoo?"
"Oo. Nagtext ako sayo. Pero hindi ka nagrereply. Ilang araw kitang tinawagan tas tinawagan din kita para sabihin un. Pero hindi ka nasagot. Kaya nagtext ako."
"Crap. Bakit ka nagtext?"
"Eh kasi---"
"Na kay dad ang phone ko. Baka mabasa nya un."
Kinabahan ako sa sinabi nya. Naku po. Kapag nalaman un tito Joe, masasabi nya rin ito kina daddy. Naku po. Lagot.
"I'm sorry." napayuko ako.
Hinawakan nya ang kamay ko, "Don't worry. Hindi kita tatakasan. Hinding hindi ko un magagawa sayo. Kaya parehas nating ipaglalaban ang anak natin."
I lift my head then he saw me crying. He gently wipe those tears away, "Don't cry, my love. Makakasama yan sa baby natin."
Ngumiti ako habang may natulong luha.
"Pahawak nga sa magiging junior ko." tumayo ako para mahawakan nya ang tyan ko. Nilagay nya ang kamay nya sa tyan ko, "Baby... eto si daddy. Wag ka nang malungkot, ha? Kapag gumaling si daddy, tuturuan kitang magbasketball. Masaya ako na dumating ka sa buhay namin." hinihimas himas nya ang flat kong tyan.
"6 weeks palang akong buntis kaya flat pa ang tyan ko. Pero buhay na yan." sabi ko.
"Kelan malalaman ang gender?"
"Pagka-2 months."
"Sana lalaki ka." sabi nya.
"No. Gusto ko babae."
"Lalaki nalang. Hehe."
"Basta kung ano ang lumabas yun na yun." umupo ako at hinawakan ang kamay nya, "Kaya lumaban ka. Magpagaling ka para makita mo ang magiging anak natin. Mabuhay ka para sakin... at para sa anak natin."
Bumuntong hininga nya, "Kylie..."
Tumingin ako sa kanya, "Hmmm?"
Tinitigan nya ako, "If I ask you to marry me, will you?"
"Of course." I answered then smiled.
He nodded. "At least I have an assurance."
"I'll do anything you want, I'll be there wherever you are. I won't leave you... I can't leave you. Coz loving you like breathing. It cannot be stopped." I said.
"No matter what happens, just remember that I am always here for you. Whether I live or leave, my heart will always be with you, forever." hinalikan nya ang likod ng kamay ko, "I love you forever, Kylie."
Tumayo ako at hinalikan ang labi nya with tears running down on my face.
The next day, nagising na ako. Nakatulog pala ako dito sa tabi ng bed nya. Dun ko lang naramdaman ung pagkangalay ng likod ko kaya naman nag-inat inat ako. Tinignan ko si Rev na tulog. Hinaplos ko ang mukha nya bago lumabas para makabili ng breakfast namin.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013