The following week, pumasok ako sa klase dala dala ung paper bag na pinaglalagyan nung mga damit na nagamit ko sa bahay ni Rev kahapon. Valentine’s day na pala bukas
Pagkapasok ko sa room, umupo ako sa seat ko pero wala pa si Jared. Alam nyo, to tell you guys honestly, hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya. I’ve been telling you this since the previous chapters but this has gotten worse. Hindi na sya masyadong nagpaparamdam sakin. sinasabi pa naman nya kung saan sya napunta at kung anong ginagawa nya pero it was just so plain. He never asks me if I’m alright or something. Ni-hindi nya ako kinakamusta. I’ve been wondering kung anong nangyayari na sakanya. Sa lahat ng sinabi ko senyo ngayon, parang kulang nalang, makipag break na sya sakin.
Bakit ba masyado akong nagpapaka-nega? Baka naman may surprise sya sakin bukas para sa Valentine’s day? Ok, un na lang ang iisipin ko ngayon… ngayon na wala syang paalam sakin kung nasan sya ngayon.
Maya-maya, may tumabi na sakin. akala ko si Jared, si Enzo pala.
“Hi Kylie.” Bati nya sakin.
“Hello Enzo.” Bati ko rin.
Tumingin sya sakin, “Are you alright?” tanong nya.
Ayokong ilihim tong pagdududa ko. Baka alam ni Enzo kung ano nang nangyayari kay Jared, “May balita ka ba kay Jared?” tanong ko.
“Bakit? Hindi ba sya nagpaparamdam sayo?” tanong nya.
“Pano mo nalaman?” nagtatakang tanong nya.
Umayos sya ng upo, “Kylie, ayokong masira ang relasyon nyo ni Jared… pero alam kong masasaktan ka kapag pinili kong ilihim toh sayo. Kaibigan mo ako Kylie at may karapatan akong sabihin toh sayo.”
Kinabahan bigla ako sa warning nya, “Ano un?”
“Si Jared… may ibang kasamang babae kanina.”
At first, hindi ko alam ang irereact ko. Napatitig lang ako kay Enzo for how many minutes, para akong isang lumang computer na matagal nang magprocess ang isang information dahil sa bagal na netong magrespond. Tama ba itong impormasyon na ito? “Saan?” yan lamang ang nakayang sabihin ng aking bibig.
“Kanina, kasabay nyang naglalakad. Hindi ko alam kung saan sila papunta pero hindi ako nakita ni Jared.”
Ang ganda nga namang pambungad sa umaga ko, ano? Napaka-ganda. *note the sarcasm* So kaya sya nagiging cold sakin all of a sudden dahil may iba na sya? Hah, sobrang napaka-ganda. Advance Happy Valentine’s day sakin. *NOTE THE EXTREME SARCASM THERE*
“By the way, alam ko na ang nangyari senyo ni Rev.” sabi ni Enzo.
“Paano mo nalaman?” tanong ko.
“Nag-open sya sakin kagabi. Wala na daw kasi syang masabihan eh,” tumingin sya sakin, “wala na daw syang masabihang best friend.”
BOOM. Grabe naman Enzo, bakit kelangan mong ipamukha sakin yan? Eh sya nga itong hindi naging mabuting kaibigan sakin eh. Ginagawa nya kay Kona ung mga ginagawa nya sakin dati. Tch.
“Kylie, payong kaibigan lang… hindi mo dapat iniwan si Rev. I know that you need him… you need someone like him. Especially now. Alam mo ba na hindi ka na nya pinag-explain kung bakit kelangan mo syang layuan nun? Kasi nung una palang naman, alam na nyang dun kayo hahantong eh. Kylie, sobrang maintindihin si Rev. and FYI, nung tumawag sya sakin kagabi, umiiyak pa rin sya sakin. hindi mo pa rin ba maramdaman?”
“Maramdaman ang alin?”
“Maramdaman na—“
“Good morning class.” Dumating ung professor kaya naman hindi na naituloy ni Enzo ung sasabihin nya kaya naman nakinig nalang kami.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013