Chapter 37- Insa

3.5K 62 22
                                    

January 5. Bagong start na naman ng sem. Haaaaaay. Meron pa akong kelangang pagdesisyunan… at hanggang ngayon, wala pa akong desisyon. Ang hirap naman talaga kasi ng magdesisyon eh. Pero siguro dahil dun sa sinabi ni Enzo sakin… ang dami nyang nakwento sakin na kakahapon ko lang nalaman nung nagkita kami

Nakwento nya sakin na matagal nang hindi magkaayos si Rev at Jared pero nagkaayos naman sila pero hindi naman meaning nun ayos na sa kanila lahat. Niligawan pala dati ni Jared si Kristelle pero naging one sided yung love story nila kasi na-fall si Kristelle kay Rev. eh eto namang si Jared, ayaw nyang masakal si Kristelle kaya pinaubaya na nya it okay Rev.

Basta ang dami pa nyang nakwento sakin. nasa restaurant kami nun at tubig lang naorder kasi sa dami ng kinuwento nya, nabusog ako na ewan.

Nasira ang friendship nila dahil sa iisang babae noon… tas hanggang ngayon, yun ang naging issue nila. Kung si Jared ang mapipili ko, may pag-asa pang maging ayos sila ni Rev. pero kung si Rev ung mapipili ko, lalo silang magkakagulo. Kaya naman…

“Hi girl!”

“Ay kabayong bundat!” I exclaimed. Walanjo naman itong si Enzo eh! Nanggugulat!

“Ay ang kapal ha! Toh naman!”

“Eh bakit ka ba kasi nanggugulat?” naiinis kong tanong.

“Para kang depress eh. Makakabangga ka na ng tao dito sa hallway eh. Para kang bangag. Ano bang meron? Malalim ata iniisip mo.” Tanong nya tas sabay na kaming naglakad sa hallway.

“Wala naman.” Hindi nga pala nya alam ung tungkol sa desisyon ko about kay Rev at Jared. Ung kahapon, kaya nya un nalaman kasi nagpakwento ako sa past nila. Wala lang, pakiramdam ko kasi  ang dami dami ko pang hindi alam sa kanila. And hindi naman ako binigo ng expectations ko sa mga nalaman ko kahapon.

“Weh? Share share din pag may time!” pangungulit nya.

“Wala nga. Natatae lang ako… joke.”

“Tss. Jokes are half meant truth.”

We reached the classroom and I saw Rev sa likod nung upuan ko… ung dati naming upuan na ako ang nasa unahan nya tas nasa likod ko sya. And in an instant, nakaramdam bigla ako ng guilt nang makita ko sya. Si Rev ba ung iiwan ko na palaging nandyan para sakin? Sya ba ung iiwan ko?

“Good morning baby.” Someone I really know kissed my cheeks from my back… none other than Jared.

“Good morning.” I smiled.

“Let’s sit.” Inakbayan nya ako tas dapat dun kami sa dati naming mga upuan… pero sa iba kami umupo… sa bandang unahan na.

“Ayaw mo na dun sa dati nating upuan?” tanong ko.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon