Rev's POV
"Ibigay mo na kasi sakin." sabi ko dun sa lalaki.
"At bakit ko ibibigay sayo? Sino ka ba? Ha?" aba't ang yabang ng kalansay na toh ah.
Lumapit ako sa kanya tas inakbayan sya, "Hindi mo ako kilala? Kawawa ka naman." sabay tutol ng forefinger ko sa side ng stomach nya para kunwari may baril na nakatutok. Naka-jacket naman ako kaya di halata. Haha.
"H-hoy! Ta-tanggalin mo yang nakatutok sakin!" nanginginig nyang sabi.
"Ibigay mo muna sakin. Kapag di mo binigay, madali lang ako kausap." I smirk. Takot ka pala eh.
"E-eto na!" kinuha nya sa bulsa nya ung kailangan ko tas inalis ko ang pagkakakbay ko sa kanya't kumaripas ng sya ng takbo.
Lokong magnanakaw un. Hanggitin ba naman sakin ang wallet ko habang nagbabayad ako ng yosi. Ayun, nahabol ko sya. Aba, mabilis kaya ako tumakbo. Nung mahabol ko naman, nagmamatigas pang ibigay sakin. Akala ko naman armado ng kutsilyo ang loko di pala! Daliri palang takot na! Buti na lang nakuha ko ang wallet ko. Aba, bukod sa madaming pera tong laman, may mahahalagang bagay din dito. Aba.
Naglakad na ako pabalik sa school. Hehe, nagcutting ako eh. Ang boring kaya ng subject. AMP!
Dadaanan ko ang ladies' room and unexpectedly, may naparinggan akong nag-uusap.
"She's just a piece of trash Tricia. Bakit ba aksi kinakawawa mo pa sya? She's not worth your time." kung di ako nagkakamali, boses un ni Sierra.
"She is. Kaligayahan ko ang pahirapan sya. Just let me do my move." sabi un ni Patricia. Nakasandal ako sa may wall malapit sa door ng ladies room para di nila ako makita. Sinong 'sya' ba un? Si Kylie ba?
"Ano na bang next move mo, sis?" tanong un ni Blaire. Sis ung tawag nya sa kanya kasi daw sister in law. yuck.
"Mamayang labasan. Alam kong napunta sya dito sa CR bago umuwi. Sino bang babae ang hindi diba?" Patricia smirks.
Naparinggan kong parang palapit sila kaya kumaripas ako ng pabalik at nagtago sa may wall. Mga evil laugh nalang ang naparinggan ko, siguro nakaalis na sila. Ano kaya ung plano nila? Kelangan kong malaman.
---
Dismissal. Hindi agad ako umalis dahil alam kong may balak sina Patricia.
Nung bandang 5:30pm, wala nang masyadong tao sa hallway tas sakto, nakita ko sina Patricia na pumasok sa CR. Hindi maganda ang kutob ko.
Tinry kong tawagan si Jared. Pero nyemas, naka-off ang cellphone nya. Leche. Tinignan ko kung may iba pang tao pero wala na talaga. TSK. Mukhang ako ang maaasahan.
Naglakad ako papunta sa CR ng babae. Nakaparinig na ako ng sigaw ni Patricia na galit. Pinagtutulungan nila si Kylie.
Tinry kong pihitin ang door knob at buti nalang hindi nakalock. Nang mabuksan ko iyon, nakita ko si Kylie na nakaupo sa sahig tas nakatayo sa harap nya sina Patricia. Aba, kaya pang gawin toh ni Patricia? Kapag kaharap naman si Jared parang santa. Naiinis ako.
"Sinong may sabing pwede nyo syang ibully?" tanong ko at napatingin sila sakin. Naglakad ako palapit sa kanila, "sinong may sabing pwede nya syang ibully?" tanong ko ulit habang nakaglare sa kanila at wala silang imik.
Konting speech ko lang dito, takbo na ang mga toh. Wala naman silang naimik habang nagsasalita ako at tumakbo na sila palabas ng CR.
Tinignan ko naman si Kylie na nakaupo sa sahig na gulo-gulo ung buhok. Na-hibi sya, naiyak. Nainis tuloy ako bigla. Ayoko kasing makakakita ako ng babaeng naiyak.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013