Chapter 33- So Fishy

3.8K 50 7
                                    

(Day 2)

Kinaumagahan, gumising kami nang maaga. Hindi naman sobrang aga, siguro mga 5:00am kami gumising. Hindi yon sinasadya. Nagkataon lang na nung gumising kami, gising na rin ung iba. Nagbreakfast kami tapos nag-exercise. Actually, hindi masyadong maganda ang tulog ko kanina. Ang sama kasi ng panaginip ko.

Ngayong 11am naman, nag-aya si Kristelle na pumunta daw kaming wet market para mamalengke ng kakainin ngayong lunch. Ayos lang samin pwera lang kay Enzo dahil madumi daw dun pero ano bang magagawa nya? Kaya sumama nalang sya. Hahaha.

By the way, kasama parin namin si Mary. Syempre, alangan namang si Manang Felly ang sumama samin eh matanda na un kaya si Mary nalang. Saulo naman daw nya ang palengke.

She’s still fishy about Jared. ewan ko kung bakit ko namimisunderstood ung pagiging friendly nya. Hindi naman ako nagseselos pero… argh. Kylie. Hindi na tama yan. Tigilan mo yang selos thought.

“Tara na guys!!” sigaw namin ni Kristelle mula sa ibaba. Kanina pa kasi kaming nag-iintay dito sa baba sa tatlong lalaking un.

Lumabas na sa room sina Enzo, Jared at Rev. grabe talaga tong mga toh. Hindi mall ang pupuntahan nila please. Palengke. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangan nilang ganan ang suot. Sobrang ma-porma para sa palengke. Naka-simpleng pants, tshirt at tsinelas nga lang ako eh. samantalang si Kristelle, naka-tokong at simepleng tshirt naman. Tapos naka-jersey shorts at simpleng tshirt lang din kay Mary. Diba, ang sisimple. Haaayyyysss.

“Guys, hindi po mall ang pupuntahan natin.” Sabi ni Kristelle.

“Why? What’s wrong with our clothes?” tanong ni Rev na suot ang…

“OMG!” I exclaimed. Hindi ko alam kung bakit ako napa-sigaw.

“Bakit?” napalaki ang mata ni Rev.

“Wow!! Suot mo ung bigay ko sayo nung Christmaaaaasss!!” sabi ko.

“Masama?” walang expression nyang tanong.

Tss. Ang KJ nya talaga. “Tss.”

“Oh, tara na?” aya ni Mary.

“Tara!”

Nung naglakad kami palabas ng bahay, sasabayan ko dapat si Jared per inunahan ako ni Mary at sabay silang naglakad. At ito namang si Jared, hindi man lang ako hinintay. Wow lang. wait Kylie, friendly si Mary. FRIENDLY.

Naglakad nalang ako palabas din. Tss. Wag kang mababadtrip Kylie. Masyadong friendly lang si Kylie. Wait, good thing yon. At least my nabubuong friendship diba? Diba? DIBA?

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon