Enzo's POV
"Doc... anung symptoms po ba yung sinabi nyo dati sakin nung dinala ko si Rev dito sa ospital?" tanong ko kay doc Allen.
Napayuko nalamang si Doc.
"Doc... m-may sakit po ba si Rev?" tanong ko.
Nanatiling nakayuko si Doc. Hindi ko malaman kung ano ang nais nyang ipahiwatig sa galaw nyang yun.
"D-Doc. P-please answer me. Kaibigan ko po si Rev."
Tumingin sya sakin. Yung tingin nyang yun, parang dun mo na agad malalaman yung kanyang sagot. May lungkot at pagkadismaya sa kanyang mga mata. Ngunit hinintay kong sya mismo ang magsalita.
Dahan-dahan syang tumango.
"M-May sakit po si Rev?" tanong ko.
"O-oo iho."
"A-ano po? H-hindi naman po ata ganung kalala diba?" I hopefully asked.
Bahagyang napayuko si doc at minasahe ang noo, "Iho, wala akong karapatang sabihin sayo ang nalalaman ko dahil sya mismo, ayaw ipasabi sa inyo." sambit nya.
"Doc, doctor ka kaya may karapatan po kayong magsabi. Please po. M-malala po ba yung sakit nya?"
Kahit na natatakot ako sa maaari nyang isagot, kailangan ko itong paringgan at matanggap. Parang gusto kong malaman na hindi. Parang nagdadalwang isip pa ako. Gusto kong sabihin na, 'ay doc, wag na pala.' pero wala na eh. Eto na, tinatanong ko na kay doc. At dahil kaibigan ko si Rev, nais kong masagutan itong tanong sa isipan ko.
"You know the cause of his mother's death, right?" panimula nya nang tumingin sya sakin.
Bahagya akong nagisip... "L-Leukemia?"
"He inherited the disease of his mom. Nung nalaman nyang ganitong yung sakit nya... he became so stubborn that he decided to not have any treatments." pagpapaliwanag nya.
Napayuko ako sa naalala ko. Bakit kailangang si Rev pa? Bakit kailangan nyang ilihim ito samin? Hindi nya ba kami kaibigan?
Nung araw na malaman ko un, nais kong puntahan si Rev at magtanong. Gusto kong itanong kung bakit nya yun nagawang ilihim samin. Nabanggit din sakin ni doc Allen na, kaya ayaw nyang mag-undergo treatments dahil gusto pa nyang makasama ng matagal ang mga taong mahal nya. Nung nabanggit yun si sakin ni doc, isang tao agad ang pumasok sa utak ko... si Kylie.
Talagang gagawin nya ang lahat para makasama nya lang ang taong pinakamamahal nya. Alam kong mahal na mahal ni Rev si Kylie. Pero dapat mabuhay sya para kay Kylie. Dapat magpagamot sya. Paano nalang kung dumating yung araw na... bigla nalang syang mawala kay Kylie? Paano sya makakapagpaliwanag?
Napantig ako nang maparinggan kong may kumatok. Tumayo ako at binuksan ito. Nakita ko si Rev na nakatayo sa labas ng bahay ko. Nakayuko sya. 2 weeks na ang nakalipas mula nung nalaman ko ang karamdaman nya. Ngayon lang din sya nagpakita sakin sa ganitong oras ng gabi.
"Rev? B-bakit ka nandito?" tanong ko.
"P-pwede ba akong pumasok?" tanong nya.
"O-osige. Pasok ka." Binuksan ko nang mas malawak ang pintuan at pinapasok sya. Nung makapasok sya, sinarado ko agad ang pintuan ko.
"Rev... may problema ba?" tanong ko.
Nanatili lamang syang nakayuko. Hindi ko alam kung anong problema nya. Hindi ko alam kung anong pakay nya dito. Baka itatanong na nya yung alam ko na ang tungkol sa sakit nya.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013