Chapter 72- Till Death Do Us Part

2.1K 56 7
                                    

Author's NOTE: Sorry kung hindi ako naka-pag-update kahapooooon! Busy lang talaga tsaka pagod. Shaks. XD So malapit na talaga itong matapos. Hindi ko alam kung maiiyak kayo sa part na toh. Pero I advice you to prepare tissue paper. LOL. Tissue muna para tipid. XD O kaya naman panyo. De joke lang. Kayo bahala kung maghahanda kayo ng mga ganan. XD Tsaka napapansin ko lang, kung kelan patapos na ang storyang toh nawala na ung active readers ko. :( Nasan na kayo uy? Inunahan nyo na ako sa galaxy? LOL. Comment kayoooo! XD Okies! And again, don't expect long updates on the last chapters of this story. :D Yun lang! I love you all! Spread the rainbow~

______________________________

Ito na ang araw na pinakahihintay namin, ang araw ng pag-iisang dibdib namin ni Rev. Maayos na ang garden dito sa hospital. Inaayusan na din ako dito sa bahay, at inaayusan naman si Rev dun sa hospital.

Excited ako na kinakabahan. Pero ang nangingibabaw sakin ay kaligayahan dahil ilang minuto nalang ay magiging isa na kaming dalawa. 

Habang inaayusan ako, tinignan ko ang cellphone ko at may text ako galing kina Enzo, Kona and Jared. They are all congratulating me. Nandun na ang mga un sa venue, iniintay nalamang kami. Hindi naman ganung ka-garbo ang kasal namin. Pang-immediate family lang at as soon as possible, simple lang.

Simple lang din ang damit ko. Long white dress sya na pangbuntis pero elegante naman tignan. Syempre, bawal akong mag-heels kaya magda-doll shoes lang ako. Pinili kong maglugay na lamang ng buhok dahil gusto yun ni Rev.

9:32am natapos akong ayusan. Sumakay na agad ako sa bridal car. Katabi ko syempre Kristelle dahil sya ang bridesmaid ko. 

"Are you excited?" tanong nya sakin.

I nodded then smiled.

"Oh baby princess," sabi nya habang nakatingin sa tyan ko. "Ikakasal na ang parents mo! Magiging Valdez ka na!" excited na sambit ni Kristelle.

Hinawakan ko ang braso nya, "Thank you, Kristelle." I said.

Napatingin sya sakin. "Bakit naman? For what?"

"For being such a good friend. I never thought na magiging ganito tayong kaclose." 

"Ano ka ba, wala yun noh. Tsaka kilala na kita nung hindi mo pa ako nakikilala. Naikekwento ka kaya sakin ni Rev kapag nagsa-skype kami." she stated then sitted back.

Napatingin ako sa kanya tas ngumiti sya.

"Naaalala ko pa ung sinabi nya sakin. May pinalit daw sya sakin, mas maganda, mas cute at mas mabait." she smiled. "Kitang kita ko kung gaano sya ka-in love sayo nung mga panahong yun. Halos ikaw ang bukambibig nya kapag magkachat kami eh." she smirked. "Nung kinuwento nya saking naging magbest friend kayo, inis na inis sya. Ang torpe nya daw kasi."

"Naikekwento nya pala lahat yun sayo." sabi ko.

"Oo naman. Kaya subaybay na subaybay ko ang love story nyo." she smiled. "To be honest, hindi sya ganan nung kami pa. Mukhang... tinamaan talaga sayo ang lalaking un." she looked at me then smiled, "I'm glad na ikaw ang mapapangasawa nya," she held my hands. "Please take care of him."

"I will."

Dumating kami sa likod na hospital which is ung garden. Maganda na ung ayos. Mula dito sa entrance ng garden ay may puting tela na may design ang pagkalagay. Ang simple lang at ganito talaga ang gusto ko. 

Pagkababa ko, binigay ni Kristelle ang bulaklak sakin. Eto na. Eto na talaga. Nagsimula nang maglakad ang mga flower girls at maid of honors. Kokonti lamang ung kinuha namin para maikli lamang. Nandito lamang ako sa pinakahuling linya, taimtim na naghihintay. Maya-maya pa, nasa tabi ko na ang mga magulang ko. Hinawakan ni mommy ang kamay ko, habang nilagay ko naman ang braso ko sa braso ni daddy.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon