The next day, pumasok ako sa school. Pagkarating ko sa room, laking gulat ko kasi andun si Jared. Nung makita nya ako, ngumiti sya tas nilapitan ako.
"Good morning Kylie." nakangiting bati nya sakin.
"Good morning din." ngumiti din ako. "B-bat ka nandito?" tanong ko.
"Nagpalipat na ako eh." nakangiti parin sya.
"Talaga?"
"Yep. Saan ba ang upuan mo? Tabi nalang tayo. :D" sabi ni Jared.
"Uhm, m-may katabi kasi ako eh. Si Enzo."
"Ah, si Enzo ba? Ayos lang yon. Ako na bahala dun. Game! Asan ba ang seat mo?"
"Ah, d-dito." naglakad ako tas sumnod sya sakin.
Nang makartaing kami sa seat ko, dun sa seat ni Enzo, nilagay ni Jared ang bag nya.
"Oy pre!" bati ni Jared kay Rev.
"Woi!" bati din ni Rev. Nasa likod ko nga pala sya nakaupo, remember? -___-
"Ayos toh!! Magkakatabi tayo." sabi ni Jared.
Nung magstart ang klase, hindi ako maka-concentrate. Ewan. Distracted ata ako sa presence ni Jared. Si Enzo kasi laging absent kaya naaagawan ng upuan.
Nung break time, si Jared ang kasama ko. Kitang kita ko nga ung mga masasamang tingin ni Patricia sakin.
Nung next subject, wala si Rev. Nagcutting siguro un.
"Haaay. Nagttrabaho na naman si Rev."
Napatingin ako kay Jared. "Nagtatrabaho?"
"Yep. Sa bar un nagttrabaho. Shift nya siguro ngaon kaya absent sya."
"Huh? Paano un? Hindi ba alam ng management na estudyante pa si Rev? Atsaka ang aga pa noh."
"Alam. Ay ewan. Baka nga nagcutting un. Pero minsan kasi nagsa-sideline un." sabi ni Jared.
Natatandaan ko ngang sinabi ni Rev na nagtatrabaho sya para mabili ang luho nya pero okay lang sa kanyang hindi makapasok sa klase makapagtrabaho lang?
"Excuse po kay Kylie Samonte. Pinapapunta po sya sa office."
Huh? Bakit naman? I stood up then naglakad na papunta sa principal's office. Pagkarating ko dun, umupo ako sa seat sa may harap ng principal's table.
"You are excuse today Ms. Kylie."
"Huh? B-bakit po?"
"I received an order from your parents na excused ka dahil kelangan kang iprepare para mamaya."
Ahhh. Gets ko na. May pupuntahan nga pala kaming party mamayang gabi.
"Sige po. Salamat po."
Nang makalabas ako, dumeretso ako sa classroom tas pinakita sa teacher ang excuse slip ko tas kinuha ko ang bag ko't umalis na. Tinanong ako ni Jared kung saan ako pupunta. Ang sabi ko lang pinapauwi ako ng parents ko.
Pagkarating ko sa bahay, sinalubong ako ni mommy tas dumeretso sa kwarto ko. Pagkarating naminsa room ko, may mga make-up artist at mga damit.
Pinaligo nila muna ako since galing daw akong school. Mabaho ba ang school?
Pagkatapos kong maligo, nagsuot muna ako ng pambahay saka nila sinimulan ang make-over sakin.
Pagkatapos ng make up, pinaayos na ang buhok ko. Ang boring nga eh. Naglalaro lang ako ng 4 pics 1 word sa phone ko.
After ng hair ko, pinasuot na nila sakin ang dress ko. Ang dress na ito ang color white na one shoulder lang tas ang fluffy nyang hawakan, parang feathers. Above the knee sya. Sabi pa ng hairstylist, i-hair down daw pero ininsist ko na medyo ipuyod nila, kaya yan, nakatali ang buhok ko with head band. (click the external link to see her) Pinasuot nila sakin ang 3 inches silver shoes na galing Figlia.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013