Chapter 34- Dragon Balls

3.7K 50 7
                                    

Chapter 34

(Day 4)

Kinaumagahan, lahat kami maaaga ang gising kasi maghohorseback riding kami ngayon. Kakaexcite nga eh kasi hindi pa ako nakakasakay ng kabayo. Hahaha.

Magkakasabay na kaming pumunta dun at pumili na din kami ng aming mga kabayo. Ung pinili ko ung color brown tas puti ung balahibo sa may batok. Ang astig nga eh. Kaya un ang kinuha ko. Ung kinuha ni Jared ung kulay puti na ang ganda talaga ng kulay.

“Ano pong pangalan ng kabayong ito?” tanong ko dun sa tagapangalaga ng mga kabayo.

“Patricia maam. Mabait ang kabayong ito tapos masunurin.”

Patricia? Hanggang dito ba naman? Pero bagay naman. Waaah! Ang sama ko! Pero havey yun ah. Hahaha.  Pero nga lang hindi sila maka-ugali ni Patricia. Too bad.

“Itry nyo po maam.” Binuksan ni manong ung harang sa parang kulungan ni Patricia. (Ang awkward na nakakatawa naman sabihin ung name. haha)

“Sure po. Pero kuya wag mong papatakbuhin ng mabilis ah.”

“Oo naman.”

Hahawakan ko na sana ung kabayo nang biglang…

“Kabayo ko yan.”

Napalingon ako dun sa nagsalita and si Mary ung nakita ko. Ah kanya pala tong kabayong toh? Oh edi kanya na. tch.

Naglakad sya palapit samin tas kinuha ung tali ni Patricia, “Next time, humingi muna kayo ng permission para hawakan si Patricia.” Then naglakad na sya kasama ni Patricia.

Geh magsama kayo. Bagay naman kayo ng ugali!

“Boss nyo po ba sya dito?” tanong ko.

“Hindi. Hindi naman un kanya eh. Un lang talaga palagi ung ginagamit nya.” Sabi ni manong.

Sus! Feelingera lang pala sya eh! Daig pa nya ako, kami walang sariling kabayo pero sya meron.

“Ky,” napatingin ako at si Jared ung lumapit sakin then he wrapped his hands around my waist, “nakaili ka na ng kabayo?”

I shook my head as an answer.

“Meron pa naman dit—“

“Uhm, sa iisang kabayo nalang kami manong.” Sabi ni Jared.

“Osige.”

---

Naunang sumakay si Jared tas inalalayan ako ni manong pataas ng kabayo. Nakahelmet kaming dalwa ni Jared para safe. Nung naglakad na ung kabayo, hindi na kami inalalayan ni manong kasi maalam naman si Jared. Hindi naman mabilis ung takbo nung kabayo, naglalakad lang talaga. Ako naman, nakahawak lang sa waist ni Jared and guess what, amoy na amoy ko ang fragrance nya. Shocks. Natigil na lang ung pag-amoy sa kanya when I heard him smirked.

“Anong meron?” tanong ko.

“Hindi pala sayang ung paglagay ko ng madaming pabango. Sayo palang ubos na eh.” Then tumawa sya.

“Tch.” Pinagpatuloy ko ung pag-amoy. Ang bango kaya. “Ay wait, asan si Rev?”

“Andun lang yun.”

“Ahhh.”

Nagpatuloy lang sa paglalakad ung kabayo. Tahimik lang kami at nakatingin sa paligid habang dumadaan kami dun. Bumalik na kami dun and nakita sina Rev na nakatambay sa harap nung bakod sa may parang.

Bumaba na kami ng kabayo tas nakaisip ako ng isang napakagandang idea!

“Guys! Race kayo ng kabayo!!” suggestion ko.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon