One week later
Pumasok ako sa classroom namin para sa last subject ngayong umaga at umupo sa chair katabi ni Jared. Alam na nya ung nangyari samin ni Rev. he felt good about that but I felt guilty. Last week, alam kong nasaktan ko si Rev kasi hindi sya nagpaparamdam sa text at Facebook kaya naman lalo akong nakonsensya. Tch, nakonsensya ka pa. nagawa mo na.
“Don’t wear too much make ups.” Sabi ni Jared.
Napatingin ako sa kanya, “Huh?”
“Your lip gloss, blush on… that’s too much.”
“Anong too much? Di naman ah.”
“It is. Ayokong maging katulad ka nina Via na sobra sa make up kaya you better use less of it. Mas maganda sa babae ung natural beauty.”
Isa pa itong si Jared. Akala ko kapag nilayuan ko na si Rev, may miracle na mangyayari. Kaso wala. Eto sya ngayon, nagiging masyadong conscious sakin at masyadong protective. I know he has the right be that way kaso… hindi lang ako sanay.
Nilabas ko ang salamin ko’t tinignan ang aking sarili. Pagkatapat ko nito sa aking sarili, nakita ko syempre ung repleksyon ko… pero parang may nang photo bomb kasi nakita ko si Rev na nakatingin sa may salamin at nagtagpo ung mata namin. Nag-slight ako na smile, then ginantihan nya ako ng fake smile. Kahit na fake lang… at least, ngumiti sya. Tinago ko na ung salamin sa bag ko tas nagsimula na ang last subject.
Lunch. Kasama ko si Jared, of course. Magkatabi kami ngayon dito sa caf habang nakain. Tahimik lang kami habang nakain… haaay, nakakapanibago. Dati kasi sina Enzo at Kristelle ung kasabay kong kumain tas makikisingit lang sa upuan sina Jared at Rev. pero ngayon, wala na. parang nung nangyari ung sa Cebu, parang nagkawatak watak kaming magkakaibigan.
“Anong iniisip mo?” tanong sakin ni Jared.
“Ha? Ah wala naman. Bakit?”
“Nakatungo ka kasi habang nakain eh.”
“Masarap kasi ang pagkain.” I lied.
“Baka manaba ka ah. Kain ka nang kain.”
See? Parang mas nagiging conscious pa sya kesa sakin. “Di ah.”
Pagkatapos ng lunch, bumalik na rin kami sa room. Tas si Jared, sa ibang room ung klase kaya naman wala akong katabi ngayon.
“Bakla!!” tumabi sakin si Enzo.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013