Chapter 45- When I Fall

3.3K 55 6
                                    

Kakapagtaka talaga itong si Rev. bigla bigla nalang nagagalit na ewan. Ayan tuloy, mag-isa akong umuwi sa bahay. Usually kasi hinahatid nya ako pero ngayon, hindi. Kasi nga nag-inarte ang loko. Kasura naman un eh. Galit ba talaga sya? Kung galit man, bakit naman sya magagalit?

“Anak, bakit hindi mo kasama si Rev?” tanong ni mommy pagkapasok ko sa bahay. Kahit si mommy ay nasanay nang hinahatid-sundo ako ni Rev sa bahay.

“Ewan ko po eh.” Umupo ako sa sofa.

“Nag-away na naman ba kayo?” tanong ni mommy.

I sighed, “nagalit sya sakin nang hindi ko alam eh. Hindi kop o alam ung reason kung bakit syang nagalit sakin. bigla nalang syang nagalit na ewan.”

“Baka naman may nagagawa ka sa kanya?”

“Wala naman mommy eh.”

“Try calling him or message mo sya sa Facebook. And itanong mo kung bakit sya biglang nagalit sayo ng ganun na lang. best friend na mag best friend kayo tas nagkakagalit na naman kayo.”

“Ok mommy. Akyat na po ako sa kwarto ko.” Tumayo na ako.

“Ok.”

Pagkapasok ko sa kwarto ko, umupo ako sa bed ko at kinuha ang cellphone sa bulsa ko. Walang message si Rev, kahit GM wala. Puro GM lang ni Enzo at Kristelle ang narereceive ko. Talaga bang nagalit sya?

Pumunta ako sa contacts at sinearch ko ung name nya na SUNOG. Oo, binigyan ko na ng pangalan ang number nya sa phone ko para naman hindi sya palaging unknown dito sa cellphone ko. Pero secret lang natin ang pangalan nya sa contacts ko ah? Haha.

Tinext ko sya ng simpleng: “Hi.” Then I hit send. Hawak hawak ko pa rin ang phone ko, iniintay kung magrereply ba agad sya. Palagi kong tinitignan kung merong message pero wala talaga. So I decided to change my clothes first kasi baka may ginagawa lang sya. Mabilis naman kasi ung magreply eh.

Right after I changed my clothes, bumalik ako sa bed ko at humiga tas tinignan kung may reply na si Rev pero WALA PA DIN. What the heck. Galit ba talaga sya? 10 minutes na ang nakalipas pero wala pa din syang reply?! Kakainis! Ano ba kasing reason kung bakit sya bigla biglang nagalit?!

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at nagtext pang muli. Flood na kung flood.

To: SUNOG

Rev… galit ka ba talaga? Can I know the reason?

And again, naghintay ako sa reply nya pero wala pa din. Ano ba toh? Is he ignoring me?! Shocks. This is really getting to my nerves. Why the hell is he mad?! Ano bang ginawa ko?! Hindi ko talaga sya ma-gets! I texted him again.

To: SUNOG

Kung galit ka, iwarn mo naman ako. wag ung basta basta ka nalang nagagalit nang hindi ko alam ang reason. Ang hirap kayang manghula. Pero kung ano man ung nagawa ko na ikinagalit mo, sorry na. hindi ko talaga alam kung ano un pero sana patawarin mo na ako.

Time check: 9:00pm. Biruin nyo un, ang tagal tagal ko palang nagiintay sa mga reply nya pero wala pa din! Naiinis na ako. ako na naman ba ang may kasalanan sa bagay na hindi ko alam ang reason?! Texting him is not enough, I should call him. I dialled his number. Ilang rings ung naparinggan ko then biglang may babaeng sumagot…

‘The number you are trying to reach is out of coverage. Please try your call again later or leave a message after the beep.’ *BEEP*

I ended the call then dinial ulit ung kanyang number. Naka-ilang tawag ata ako sa kanya pero wala pa ding sagot. Hanggang sa maka-kain kami, wala talaga syang text. Ang galing naman nya. eto ako ngayon, alalang-alala kung ano bang nangyari habang sya hindi pinapansin ang mga text ko! Kakasura na talaga sya!

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon