Umiyak lang ako pagkadating ko sa bahay. Tinanong ni mommy kung anong nangyari pero hindi ko sya nasagot kasi dirediretso akong naglakad papasok sa kwarto ko.
Bakit ganun? Talaga bang malas ako pagdating sa lovelife? Una, kay Jared. Tas sunod, kay Rev. At ang masaklap pa, naging malas ako sa dalawang magkaibigan! Yung totoo, trip ba nila ako?!
Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya. Confident ako na hindi nya magagawa sakin yun pero bakit nagkaganito?! Bakit kailangan kong maranasan ulit toh?!
Iyak lang ako nang iyak. Kahit sina Enzo, hindi alam ang reason kung bakit ako naiyak.
2 months palang kami pero nagawa na nya yun? Well, what do I expect? Playboy nga pala ang lalaking yun. Naging isa ba ako sa pinaglaruan nya?
Gusto kong magalit sa kanya, gusto kong sabihing hindi ko na sya mahal pero hindi ko magawa at hindi ko alam kung bakit. Alam kong galit tong nararamdaman ko ngayon, pero hibdi ito valid para maging cause ng pagkawala ng love ko sa kanya.
Parang kahit after all na nakita ko un, hindi pa rin nawawala ang tiwala ko sa kanya. Oo, tanga na kung tanga. Pero kilala ko si Rev eh. Hindi naman sya gagawa ng bagay na pagsisisihan nya sa dulo at kung walang rason.
So ibigsabihin, may rason sya sa paggawa nya nun? Ano naman kaya yun?
Ring ring tinignan ko ang caller at nakitang si Kristelle ang natawag.
I rejected the call. Ayokong munang makipagusap sa mga tao ngayon. Masyado akong nasaktan.
Wait, I didn't even say that we're done or something. I just walked away. Maybe that's a good thing. After all, hahayaan ko naman syang magpaliwanag sakin. Haaay! Eto na naman ako, nagpapakatanga! Wala eh. Sorry. Mahal ko lang.
Bumaba ako sa dining room na nakashades dahil alam kong pugto ang mata ko.
"Anak, are you okay? Bat ka nakashades?" tanong ni mommy pagkaupo ko.
"Wala mom. Sore eyes lang." matamlay kong sagot.
"Gusto mo bang ipacheck up natin?" tanong ni daddy.
I slowly shook my head.
"Kain ka na."
Kumain ako. Pero bawat subo ko, pumapasok sa utak ko ung picture ng nakita ko kanina. Alam ko anytime, pwede akong maiyak pero pinipigilan ko lang dahil ayokong makita nina mommy.
Naubos ko naman ang pagkain ko kahit papaano. Pero dumeretso ako sa kwarto ko at nagpaka-monghe ulit.
Hindi ko ipagkakailang iniintay kong tumawag si Rev para kulitin ako o kaya naman magpaliwanag. Handa naman kasi talaga ako makinig eh. Handa akong intindihin sya.
Pero hindi man lang sya nagpaparamdam.
Siguro hindi sya guilty sa ginawa nya. What do I expect?
9Pm pero hindi pa rin ako makatulog. Ewan kio sobra akong apektado sa nangyari. Malamang, magiging apektado ako.
10PM at hindi pa rin ako natutulog. Ineenjoy ko ang sarili ko sa pagtitig sa wallpaper ng kwarto ko, pagkakalikot ng teddy bear ko at kung ano ano pa. When I suddenly feel hungry.
Tulog na sina mommy kaya paniguradong patay na ang lahat ng ilaw sa living room. Kapag nagbukas ako ng ilaw, for sure, may magigising sa mga un.
Waaaaah! Gutom na akooooo! Nakakagutom palang malungkot ano? Nakakapayat siguro toh.
Nagstatus ako sa Facebook ng "I'M EFFIN HUNGRY." Pagkapost ko nun, after 3 minutes, may nagpop na window.
"Kylie."
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013