"Wala. Bahala sya sa buhay nya. Ako na nga tong concern sa kanya. Leche. Bahala sya!Wag lang sya lalapit sakin kapag may punishment ulit sya!" sabi ko habang nagsusulat ng napakaraming 'I HATE YOU, REBO BIKTORINO' sa likod ng notebook ko. Andito kami ngayon sa may waiting area, sa may tables.
"Nako gurl! One week na kayong di nagpapansinan! Baka umabot yan ng isang buwan ah." sabi ni Enzo, sya pala ang kasama ko ngayon. Shocks! Close na kami. HAHAHA.
"So? Wala akong pake. Sya ang may kasalanan." sabi ko.
"Tamo ha. October 1 kayo nagkagalit tapos anong petsa na ngayon? Ika-wala na ng Oktubre gurl! Ang babaw nyo naman kasing mag-best friend eh. Lalo na yang si Rev!"
"Sinabi mo pa! Concern lang ako ha? Tsaka parang di man lang nya naisip na best friend nya ako." natapos ko na ung 'I HATE YOUE, REBO BIKTORINO' sa papel ko.
"Eh kung lasing naman sya nun eh."
"Kahit pa. Diretso ang pananalita nya nuh. Talgang masama sya."
"Alam mo, yang si Rev, grabe ang mood swings. Kumbaga sa babae, may dalaw sya. Yun nga lang, surprise araw araw ung dalaw nya. Baka naman kasi nainis sya sa isang bagay."
"Tss. Ano namang kaiinisan nun?"
"Malay ko! Subukan nyo kayang mag-usap noh?" sabi nya sabay roll eyes.
"Lah. Ayoko." sabi ko tapos nilagay ang mga gamit ko sa loob ng bag ko.
"Hi!" napalingon ako tas si Blaire pala ung bumati.
Wow. Parang ngayon ko lang ulit sya nakita? Ay, namiss? Lels.
"Ay, ang sama ng hangin." papaparinig ni Enzo.
"Whatever Enzo, you freaking gay." sabi ni Blaire kay Enzo sabay roll eyes.
"Natamaan naman." bulong ni Enzo. "Osige na gurl. Ako'y flylalu na. Sama ng hangin eh." tas tumayo na si Enzo at umalis na.
Umupo sa harap ko si Balire habang may ngiting sobrang lapag na hindi ko alam kung plastik o may masamang balak sya. "Hi." bati nya.
"Hello...?" taas kilay kong tanong. Lol, akala nya okay na sakin lahat matapos nang ginawa nila sakin?
"Makataas ng kilay wagas? Haha! Ano ba! Wala akong bad intensions, you know." sabi nya.
So conyo. "Okay?"
"So, wala ka bang napapansin?" sabi nya habang pinapakita nya ang both sides nya.
"Wala." diretso kong sagot with my poker face. Ano bang kelangan nya?
"Ano ka ba! Hindi mo napapansin?! Wala akong kasama oh! Hindi ko kasama si Patricia at Sierra!" pagmamalaki nya.
"Ahhhh." as if I care.
"Ayoko na pating kasama un. Masyadong mapapek tapos grabe nya laitin ang Girls' Generation."
Na-alarma naman ako dun, "ano?"
"Oo! Nako! I heard pa man din na fan ka ng GG like me kaya nilapitan kita. Wala kasi ako malabasan ng inis sa retokadang babaeng un."
"Retokada?" Hala.
"Oo! Retokada ang ilong, bibig at eyelids nyan! Kasura talaga!"
I don't care about the retokada part, "anong sinasabi nya sa Girls' Generation?"
"Na retokada daw ang SNSD! Masalita sya parang di sya retokada! HIndi naman kasi retokada ang SNSD."
Ang kapal ng mukha! Sht. Angry veins.
"I decided to finally turn against her dahil hindi ko ma-take ung mga ginagawa nya." sabi ni Blaire.
"Like what?" naging interesado tuloy ako.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Teen FictionNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013