Chapter 41- Broken Valentine

3.5K 53 5
                                    

So Valentine’s Day na ngayong araw na ito. I don’t know if I should be excited or what. In the first place, should I be excited?  Haaay. Ewan ko nga din. I have something to confess. Nanlalamig na ako kay Jared. Simula pa naman ito last month eh pero nung last month, medyo namamansin pa sya tapos tinatawagan nya ako. ngayong nag-February sya nanlamig sakin. sa totoo lang, kasing lamig nya ang panahon ngayon.

Gusto kong mainis. Gusto kong umiyak. Gusto ko syang sigawan. Gusto ko sya tanungin kung ano nang nangyayari samin. Pero sa di ko malamang dahilan, hinahayaan ko lang sya. Ah, baka hinahanap lang nya ang sarili nya. pre-occupied or something. Ugh, ayokong maging katulad nyang pre-occupied.

Pagkalabas ko ng bahay papuntang school, nagstart na akong maglakad. Ayoko munang magpahatid sa driver namin, ayoko ding magpahatid kay daddy. Kelangan kong mag-isip ngayon, ung taimtim na pag-iisip. Kapag kasi kasabay ko si daddy, mapapansin nyang may iniisip ako. magtatanong lang sya nang magtatanong.

Simula nung pinakawalan ko ung friendship namin ni Rev, parang kasabay nun ung pagkawala ni atensyon sakin ni Jared. Hindi nyo un pansin pero ako pansin na pansin ko. Masakit pero wala naman akong magagawa eh. Yan ang gusto nya, ginusto nya yan. Iintayin ko na lang na bumalik sya sakin. I’ll give him time and space that he need… even though I don’t know why am I giving the time and space.

Sa aking paglalakad, may naramdaman akong nasunod sakin… tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa likod pero wala namang tao. Hmm? Baka nagahahallucinate na ako. nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ko pero naparinggan ko na ung yabag nung taong nasunod sakin. binilisan ko ang lakad ko tas pinasok ko ang kamay ko sa bulsa ko at kinapa ang aking ballpen. Hinawakan ko nang mahigpit ang aking ballpen sa aking bulsa at tinanggal na ung taklob. Tumakbo na ako at tumakbo narin ung nasunod sakin. waaaaaah! Holdapper!

“Oy wait!” hinawakan ako nung tao sa braso kaya napaharap ako.

Tinapat ko ang point ng ballpen ko sa taong nasa harap ko… “Wag mong maisipang…” but then I knew it was, “Rev?”

“Bakit ka ba tumatakbo? Ano yan, exercise? Tsaka, bakit nakatapat ang point ng ballpen mo sakin?” nanlalaki ang mata nya habang tinanong nya un.

Binaba ko ung point ng ball pen ko at tinago ito sa bulsa, “A-ahm… bakit mo ba ako hinahabol?!” naiinis kong tanong.

“Anong hinahabol? Ba’t naman kita hahabulin? Ikaw ang bakit tumakbo?” pamimintang nya sakin.

“M-Malay ko ba kung kidnapper ka ba or holdaper! Hmp!” tumalikod na ako at nagsimulang mag-lakad.

Naparinggan kong sumunod sakin, “Hoy wait lang! matapos mo akong pahabulin uunahan mo lang ako?” nasa tabi ko na sya habang naglalakad.

“Aba! Sino ba naman kasing may sabing habulin mo ako?! tch.”

I just heard him smirk then nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ang tahimik namin habang naglalakad. Ang awkward. Speaking of awkward, naalala ko tuloy ung kagabi. What the hell. Bakit ba bigla bigla nalang ung pumasok sa isip ko? Lalo tuloy akong na-awkwardan sa kanya. Parang gusto ko na tuloy mauna ng lakad sa kanya ngayon o kaya naman takbuhan na lang sya.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon