UGH! ANG SAKIT NA TALAGA! DI KO NA TOH KAYA! First time kong makaramdam ng gantong pagod!
"Rev, ayoko na. Pagod na ako." reklamo ko.
"Aba. Hindi ka pa nga tapos eh."
"Ang sakit na kaya ng kamay ko! Ngalay na! Kahaba haba kasi!" himutok ko.
"Masanay ka na. Gagawin mo pa yan sakin in the future." he smirks.
"Feeling ka! Akala mo ba hindi ako nahihirapan? Ang sakit na kaya ng balakang ko!"
"Aba! Ako ang mas nahihirapan! Ako kaya ang galaw ng gaalw, taga-reklamo ka lang! Kaya manahimik ka na't ituloy mo ang pagsusulat ng essay ko!" utos nya. "Buti ka pa nga, nakaupo jan. Ako, pabalik-balik sayo kasi inuutusan mo ako." sabi nya.
"Hoy! FYI ha! Ikaw ang nag-alok sakin ng tubig! Atsaka isang beses lang yon!" depensa ko.
"Oo na oo na! Ituloy mo na yan!"
ARGH! Pinagawa lang naman nya sakin ang essay nya sa isang long bond paper, hindi naman back-back pero nakakapagod nang magsulat. Sumasakit na nga ang balakang ko sa kaka-upo. Yun daw ang punishment nya sa pagka-cutting ng ilang araw. Sya ang naparusahan, ako ang gumagawa. ARGH!
Umupo si Rev sa kabilang side ng kama tas kumain sya ng corn chips.
"Rev..."
"Hmmm?"
"Pwede magtanong?" tanong ko.
"Hindi ka pa ba nagtatanong?"
Tumigil ako sa pagsusulat tas tumingin ako sa kanya, "Bakit nag-iisa ka lang dito? May magulang ka pa? Asan sila?" sunod sunod kong tanong.
Tumigil sya sa pagkain tas tumingin sakin, "As for your first question, dahil pinili ko toh, gusto ko eh. Mas gusto kong tumira mag-isa kesa makipisan sa mga magulang ko. For your second question, yup, may magulang pa ako. For your third question, andun, sa kanila." sagot nya tas kumain ulit.
"Nauwi ka naman sa kanila?"
"Pag kailangan. Pag pinapauwi nila ako. Pero di ako nagtatagal." sagot nya habang nakain.
"Sino nagpapaaral sayo?"
"Sila malamang. Pero may part time job ako sa bar para mabili ko ang luho ko at mabayaran ung extra sa school tulad ng xerox." nakain lang sya.
"Hmm... masaya ka ba dito? Masaya ka bang mag-isa dito?"
Napatigil sya sa pagkain tas tumingin sakin, "Alam mo, ang dami mong tanong. Tapos mo na ba yan?"
"Eeeh! Madali na toh! Dali naaa! Masaya ka ba mag-isa dito?" tanong ko.
Nilapag nya ang chichiria nya sa bed tas tumingin sakin ng seryoso, "Hindi. Pwede mo ba akong samahan dito?"
"Che!" Ayos lang sya?! Ayoko nga!
"Hahah! Joke lang! Syempre masaya! Gusto ko toh. Ba't di ako magiging masaya?"
"Ahhh..." I nod. Nagsusulat na ako tas tumayo naman sya para kumuha ng tubig. Nakabalik din naman sya tas umupo ulit sa kabilang side.
May isa pa akong tanong eh. Kaso nahihiya akong itanong. Napatigil ako sa pagsusulat tas tinignan sya habang umiinom. Okay, itatanong ko na, "Rev, nagkagirlfriend ka na ba?" tanong ko.
Muntikan na nyang maibuga ung iniinom nya, "Ba't mo naman natanong?" sabi nya habang pinupunasan ang bibig nya.
"Masama?" tinaasan ko sya ng kilay. "Sagutin mo na lang."
He smirks. "uhm, dati."
"Nagtagal?"
"Sa tingin mo walang nagtatagal sa mukha kong toh?" nakangisi sya habang hinihimas ang chin nya.
BINABASA MO ANG
My Bully Best Friend
Fiksi RemajaNaghahanap ka ng best friend pero ang dumating sayo ay isang bully? LOL. Kawawa ka naman. >:D HeyMisseii Wattpad 2013
